• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SP Escudero ipinaliwanag kung bakit ‘di nasamahan ni ex-VP Leni si PBBM sa stage

HINDI nasamahan ni dating Vice President Leni Robredo si Pangulong Ferdinand Marcos sa stage dahil may kasunod itong appointment sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena sa Sorsogon City.

 

Ayon kay Senate President Chiz Escudero sa orihinal na plano ay sasamahan ni Robredo ang Pangulo at iba pang panauhin sa stage, at panonoorin nila ang inihandang synchronized dance number.

 

 

Gayunman, maaga umanong umalis ang dating bise-presidente dahil may hinahabol itong appointment sa Naga city, kung saan tumatakbo ito sa pagka-alkalde para sa 2025 midterm elections.

 

Sinabi ni Escudero na bago umalis ay hinintay muna ni Robredo ang pangulo na makarating sa venue.

 

Kung maalala sina Marcos at Robredo ay mahigpit na magkalaban sa pulitika, at nagharap sila sa pagkabise-presidente noong 2016, at sa pagka-pangulo noong 2022.

 

 

Ayon naman kay dating Senador Bam Aquino na nagkaroon sila ng cordial interaction kay Pangulong Marcos dahil sila ni VP Leni ay guest ni Sorsogon Gov. Jose Edwin Hamor at Senate President Chiz Escudero.

 

Samantala, ipinaliwanag naman ni Escudero ang naging presensiya ng dating pangalawang pangulo kung saan nagkita sila ni PBBM.

 

Sinabi ni Escudero marami silang inimbitahan, dahil nanduon na si Robredo minabuti nito hintayin si PBBM at saka umalis dahil ayaw niyang umeksena.

 

Binigyang-diin ng Senador na ang pagkikita ng dalawa ay umpisa ng paghilom. (Daris Jose)

Other News
  • Bullying prevention campaign, ilulunsad ng DepEd

    ILULUNSAD ng Department of Education (DepEd), sa pangunguna ng Child Protection Unit (CPU), ang Bullying Prevention Advocacy Campaign kaalinsabay ng National Children’s Month (NCM) ngayong Nobyembre.     Ayon sa DepEd, may temang #KasamaKa: BaLiK-Aral (Boses, Lakas ng Kabataan at Komunidad sa Balik-Aral), pagtutuunan ng nasabing kampanya ang tatlong core aspects: KasamaAko (Adbokasiya Para sa […]

  • MANILA HEALTH WORKERS, BUWIS-BUHAY PERO…

    KUMPARA sa ibang siyudad at munisipalidad sa bansa, hindi nabibigyan ng tamang kalinga at malasakit aqng mga barangay health workers ng Maynila.     “Naririnig natin, maayos daw ang honorarium at benefits ng health workers natin, pero kabaligtaran ito. Hindi siya nabibigyang halaga ng city government, pati ang ating mga barangay tanod na palaging nakaumang […]

  • Mayroong PBA Special Draft muli sa Marso 14 – Marcial

    MULING pinagbigyan ng Philippine Basketball Association ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na magsagawa ng Special Draft para sa Gilas Pilipinas sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021 sa darating na Marso 14.     Pero aaralin pa ng national sport association o national governing sport body (SBPI) ang mga bubunitin sa special draft […]