Spa sa Makati, P3K ang ‘sex fee’
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
NAHULI sa akto ang isang therapist na magsasagawa ng ‘sexual extra service’ habang nasagip ang 13 iba pa sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa isang spa sa Brgy. Poblacion, Makati City, kamakalawa ng madaling araw.
Maingat na isinagawa ng mga tauhan ng Makati SIDMS, sa pangunguna ni Police Major Gideon Ines Jr. at ng Women and Children’s Protection Section, sa pangunguna ni P/Lt. Mylene Juan, ang rescue operation sa mga massage therapist sa SPA Osaka sa #5353 Gen. Luna St. kanto ng Mariano St., Barangay Poblacion, Makati City
Isang police asset ang pumapel na customer at nang maibigay ang P3,000 halaga sa isa sa mga therapist para sa sexual intercourse sa Room 3 ng Spa Osaka ay agad siyang nagbigay ng hudyat sa mga operatiba para salakayin ang nasabing establisimiyento.
Nakuha sa show room ng Spa Osaka ang iba’t ibang sex paraphernalia.
Samantala, hindi inabutan ng mga awtoridad ang may-ari ng Spa Osaka na kasalukuyang pinaghahanap pulisya.
Ayon kay P/SSgt. Glen Marvin Gallero, investigator on case, mananatili muna sa ngayon sa kustodiya ng Women’s Desk ang 13 kababaihan para sa beripikasyon at ebalwasyon para sa magiging aksyon ng pulisya. (Daris Jose)
-
2nd SONA ni PBBM, ipakikita ang ‘significant progress’ ng Pinas
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapagtatanto ng mga filipino na ang bansa ay nakagawa ng “significant progress” habang pinapakinggan ng mga ito ang kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa susunod na linggo. Ang pangalawang SONA ng Pangulo ay sa Hulyo 24, araw ng Lunes. Sinabi ng […]
-
Magkasama noong V-Day sa isang hotel sa Leyte: ALJUR at AJ, nakatikim na naman nang pamba-bash mula sa netizens
NAKATIKIM nang pamba-bash ang estranged couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval, na kitang-kita na magkasama noong Valentine’s Day sa isang hotel and resort sa Leyte. Sa facebook account, pinasalamatan ng general manager ang dalawa sa pagbisita sa naturang lugar at pinost nga ang kanilang mga larawan. Kaya naman kung […]
-
DINGDONG, pinaliwanag kay ZIA na kailangang maging healthy para sa pamilya nila; MARIAN, ‘di rin nagpapahuli sa pagwo-workout
LAST Monday, nag-post uli si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account sa ginagawa niyang daily work-out na sinimulan niya noong Febuary this year. At 40, gusto talagang ma-maintain ni Dingdong ang malusog at hindi lang basta magandang pangangatawan. Sa post ng Kapuso Primetime King, may ibinahagi siya sa pagtatanong ng panganay […]