Sparring ni Pacquiao level-up na!
- Published on July 30, 2021
- by @peoplesbalita
Mas lalong patataasin ni Hall of Famer Freddie Roach ang lebel sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.
Kabilang sa estratehiya nito ang paghamon sa lahat ng sparring mates na isasabak nito kay Pacquiao kung saan bibigyan ng mahusay na trainer ng pabuya ang sinumang makaka-knockout sa Pinoy pug.
Nangako si Roach ng $1,000 premyo sa sparring partner ni Pacquiao na makakagawa nito.
Walang alam si Pacquiao sa naturang plano ni Roach.
“Manny doesn’t know that! I’ve always kept it a secret but every sparring partner I hire, I say, ‘You knock him down, I give you a thousand bucks’. And I’ve kept a thousand in my pocket,” ani Roach sa panayam ng The Sun.
Ginawa ito ni Roach upang mas maging matindi ang sparring sessions ni Pacquiao dahil nais nitong maihanda ng lubos ang kanyang bata para sa laban.
Nakatakdang harapin ni Pacquiao si reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
“I am just so damn proud of Manny for picking Errol Spence for this fight. It’s a real fight and what a great example to set. You want respect? You want to establish a legacy? Look at what Manny and Spence will be doing on August 21. It’s the type of fight that returns boxing to the front page,” ani Roach.
Alam ni Pacquiao na hindi biro ang labang haharapin nito.
Itinuturing nitong bakbakan ng pinakamahuhusay sa mundo ang Pacquiao-Spence fight.
“My fight with Errol Spence is not just a battle between the two best welterweights but between two of the best fighters. There is no ‘B-side’ in this fight. I have just as much to prove in this fight as Errol does,” ani Pacquiao.
Kaya naman nangako si Pacquiao na asahan na ang matinding bakbakan sa oras na magkrus ang kanilang landas.
“We are going to bring out the best in each other. It is the type of fight that makes boxing so great,” ani Pacquiao.
-
Spoelstra gagawing consultant ng Gilas
TARGET ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makuha ang serbisyo ni NBA champion coach Erik Spoelstra ng Miami Heat upang maging consultant ng Gilas Pilipinas. Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagsabak nito sa FIBA World Cup sa susunod na taon na magkakatuwang na iho-host ng Pilipinas, Japan at Indonesia. Kaya […]
-
Foreign vessel na bumangga sa mga Pinoy papanagutin – PBBM
NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na papanagutin ang foreign commercial vessel na bumangga sa sinasakyang bangka ng mga Pinoy na mangingisda na ikinasawi ng tatlo katao sa Bajo Masinloc, kamakalawa ng madaling araw. Ayon kay Marcos, gagawin lahat ng pamahalaan ang paraan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng tatlo. […]
-
Walang pagbabago sa terminal assignments sa NAIA sa ngayon
HINDI pa mababago sa ngayon ang mga terminal assignments sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon sa mga Philippine air carriers. Sinabi ito ng mga airlines matapos na magkaroon ng announcement ang bagong operator ng NAIA na magkakaroon ng posibleng terminal reassignments pero sa darating pa na panahon. Ang Cebu Pacific […]