Sparring partner pinaluhod ni Pacquiao sa ginawang sparring session
- Published on August 7, 2021
- by @peoplesbalita
Napaluhod ni Sen. Manny Pacquaio ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa nangyaring sparring sessions sa Wild Card Gym.
Sinabi ni Joey Concepcion, Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao, na isa sa ginagawang taktika laban kay Errol Spence ang ginamit ni Pacquiao sa di pinangalang sparring partner.
Dagdag pa nito na umabot 15 segundo bago naka-recover ang naturang boksingero.
Kaya naman kampante sila na mana-knockout ni Pacman si Errol Spence ngayong Agosto 22, oras sa Pilipinas.
Samantala, naghihigpit ang Pacman Team sa sinumang papasok sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California, USA.
Ayon kay Concepcion, na lahat ng papasok ay dadaan sa antigen test at pagkatapos lagyan ng covid negative bracelet na nagpapatunay na negatibo laban sa virus.
Nalaman na natapos na kaninang umaga ang media day na kinabibilangan ng piling myembro ng International Media.
Sa Media day saglit lamang nagpakita si Pacquiao at sinagot ang iilang katanungan.
Wala ding pinahitulutan na kumuha ng video para hindi masilip ng kabilang kampo.
-
Nigerian National, inaresto ng BI sa cybercrime
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na wanted ng federal authorities sa US dahil sa cybercrimes kung saan ang mga biktima nila ang mga retired military servicemen na mga Amerikano. Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang suspek na si Ahmed Kamilu Alex, 35 na inresto […]
-
16 NBA players panibagong nahawa sa COVID-19
Kinumpirma ngayon ng NBA na umaabot sa 16 na players ang panibagong nahawa sa COVID-19. Tumanggi naman ang NBA na ibulgar ang mga pangalan ng naturang mga players. Ang nasabing bilang ay nanggaling umano sa 497 players na isinailalim sa COVID-19 mula Jan. 6. Tiniyak naman ng liga na maging ang mga […]
-
Top 4 most wanted person ng Malabon, nakorner sa Navotas
BAGSAK sa selda ang isang lalaki na wanted sa kasong pagpatay sa Lungsod ng Malabon matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operatio sa Navotas City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa […]