• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez, binalaan ang mga nagmamanipula sa presyo ng sibuyas at bawang sa merkado

“YOUR  days are numbered.”

 

 

Ito ang babala ni House Speaker Martin Romualdez sa mga nagmamanipula ng presyo ng sibuyas at bawang para tumaas ang bentahan sa merkado na kagagawan ng mga unscrupulous traders and hoarders.

 

 

Sinabi ni Speaker na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga nasabing indibidwal na nasa likod ng pag-iimbak ng sibuyas at ngayon ay ang bawang para lumikha ng artipisyal na kakulangan ng suplay ng sa gayon tataas ang presyo.

 

 

Napansin din ni Speaker na sa kabila ng nagpapatuloy na harvest season at ang pagdating ng mga imported na sibuyas sa bansa ay nananatili ang mataas na presyo.

 

 

Inatasan ni Speaker Romualdez ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon at kung may sapat na ebidensiya, mag rekumenda na magsampa ng kaukulang kasong kriminal laban sa mga indibidwal na nasa likod ng pag-iimbak ng mga suplay.

 

 

“This is economic sabotage,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez, pag-aaralan ng House panel ang opsyon na irekomenda sa Pangulo ang calibrated importation ng sibuyas at bawang bilang isang paraan para pilitin ang mga walang prinsipyong indibidwal na ito na mag-diskarga ng kanilang mga stock at ibaba ang mga presyo upang maibsan ang pasanin sa mga mamimili.”

 

 

Gayunpaman, ipinunto ni Speaker Romualdez na ang naturang importasyon ay hindi dapat makapinsala sa kapakanan ng mga lokal na magsasaka.

 

 

“It is very important to ensure that any importation should consist of such quantity and be done well ahead of the harvest season to avoid any adverse effect on the livelihood of our local farmers,” pagbibigay-diin ni Speaker Romualdez.

 

 

Bukod sa isasagawang imbestigasyon, nais ni Speaker Romualdez na magkaroon ng daily monitoring sa presyo ng sibuyas at bawang sa mga palengke.

 

 

“People are still trying to recover from the pandemic. The last thing we need is an unreasonable rise in food prices,” pahayag ni Speaker Romualdez.

 

 

Dagdag pa ni Speaker na dapat seryosong tugunan ng mga mga concerned agencies ang isyu sa smuggling ng sibuyas at iba pang mga agricultural products. (Daris Jose)

Other News
  • MGA DIPLOMATS, ASAWA AT ANAK NA PINOYS, PINAPAYAGAN NG MAKAPASOK

    PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Diplomats, kanilang asawa at anak na Pinoys batay sa natanggap nilang  resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).   Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon No. 95  mula sa IATF na pinapayagan nila ang […]

  • Matagumpay, produktibong pakikibahagi ni PBBM sa ASEAN Summit pinuri ni Speaker Romualdez

    BINATI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa matagumpay at produktibong paglahok nito sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summits and Related Summits na ginanap sa Laos kamakailan.     Ayon kay Speaker Romualdez, ang istratehikong diplomasya ng Pangulo ay nagresulta makabuluhang tagumpay para sa pambansang interes ng bansa, partikular sa […]

  • Pinoy netters, hahambalos vs mga Greko

    NARITO na sa bansa si men’s world top 10 lawn tennis player Stefanos Tsitsipas at agad na ipinakita ang kahandaan para pamunuan ang Greece kontra Pilipinas para sa Davis Cup World Group II playoffs sa Biyernes at Sabado sa Philippine Columbian Association (PCA), Plaza Dilao sa Paco, Maynila.   Lagpak sa ikalawang pwesto kay Novak […]