• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez, ikinalugod ang pagbagal ng inflation; Kamara, patuloy na magbabantay

POSITIBO ang pagtanggap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa naging pagbaba ng inflation rate ng bansa.

 

 

Kasabay nito ay muling iginiit ni  Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara sa administrasyong Marcos upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa at pagtiyak na abot-kaya ng mga bilihin.

 

 

Ayon sa House leader, ang pagbaba sa inflation ay may malaking benepisyo sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga pamilya sa bansa dahil kabawasan ito sa kanilang gastusin dahil mas abot kaya at accessible na ang mga batayang bilihin.

 

 

Pinapalakas umano ng pagbaba ng presyo ang purchasing power o kapangyarihan ng mga Pilipino na makabili at nakatutulong din para sila ay makapag ipon at mailaan ang pera sa mga iba pang mahahalagang bagay gaya ng edukasyon at kalusugan.

 

 

Bilang tugon naman sa mga global economic headwinds, mananatiling nakatuon ang Kamara, ayon kay  Romualdez sa pagbuo ng mga polisiya para suportahan ang matatag na ekonomiya ng bansa, pagpaparami sa pamumuhunan at palakasin ang produksyong pang-agrikultural bilang suporta sa pro-poor programs ng Pang. Marcos nang ma-protektahan ang bansa mula sa mga hamong pang ekonomiya mula sa labas.

 

 

Maliban dito ay palalakasin din aniya ng Mababang Kapulungan ang supply chain infrastructure upang maiiwas ang bansa at domestic prices mula sa epekto ng kakulangan sa global supply.

 

 

Batid ni Romualdez na nakaka-apekto ang inflation sa lahat ng asepto ng pamumuhay ng mga Pilipino kaya’y desidido ang Kamara na palawigin ang social safety nets para protektahan ang mga vulnerable mula sa lokal at panlabas na inflationary pressure.

 

 

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan na patuloy na pagbabantay sa gitna na rin ng nagpapatuloy na kaguluhan sa labas ng bansa at supply chain disruptions. (Ara Romero)

Other News
  • Men’s National football coach nakatutok sa pagpapalakas ng mga manlalaro para sa mga nakatakdang torneo

    Nakatuon ang atensiyon ni Philippine Men’s National Football Team coach Albert Capellas sa pagbuo ng mas maliksing ng mga manlalaro ng bansa.     Sa mahigit na dalawang linggo bilang bagong head coach ay pinag-aaralan niya ang mga posibleng pagkakaroon ng pagdagdag ng mga manlalaro.     Tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang pag-ensayo ganun din […]

  • Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay

    BILANG  pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay.     Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang […]

  • Big city, same rules. John Krasinski explores what it’s like for New York to go silent in “A Quiet Place: Day One”

    WHILE developing the next installment for the captivating world of A Quiet Place, producer and writer John Krasinski found himself wanting to see how the rest of the world is dealing with this otherworldly crisis. “I especially wondered how people in a big city like New York, with all the chaos and noise there, all […]