• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez inaming humingi ng tulong sa kanya ang nagtutulak ng PI

HUMINGI ng tulong kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga nagsusulong ng people’s initiative (PI) upang maamyendahan ang Konstitusyon.

 

 

Ayon kay Speaker Romualdez nilapitan siya ni Noel Oñate upang makausap, at pinagbigyan niya ito bilang bahagi ng diwa ng bukas na dayalogo at pag-unawa sa mga aksyong sibiko na itinataguyod ng mga mamamayan.

 

 

Iginiit naman ni Romualdez na ang pakikipag-usap na ito ay hindi nangangahulugan na tumulong ito sa pangangalap ng pirma para sa PI.

 

 

Pinasinungalingan naman ni Speaker Romualdez na may kinalaman ito sa sinasabing bilihan ng pirma na taliwas umano sa kanyang prinsipyo at ethical standards ng gobyerno.

 

 

Kahapon dinipensa ng mga mambabatas ang larawan na ipinakita sa pagdinig ng senado.

 

 

Ayon sa kanila natural lamang ang nasabing larawan dahil lahat naman may gusto makipag picture sa Speaker.

 

 

Wala rin epekto ang nasabing larawan.

 

 

Samantala, inatasan naman ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Kamara at Senado na maghanap ng solusyon sa harap ng bangayan ng dalawang Kongreso hinggil sa isinusulong na Charter Change.

 

 

Sinabi ng Pangulong Marcos na naghahanap din ng solusyon ang gobyerno at nakikipag ugnayan na ito sa mga legal luminaries.

 

 

Nais kasi ng Pangulong Marcos na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution. (Daris Jose)

Other News
  • Damay din sa leaked conversation si Herlene: BIANCA, pumunta ng Japan sa gitna ng isyu sa kanila ni ROB

    PUMUNTA ng Japan si Bianca Manalo sa gitna ng isyu sa diumano’y leaked conversation sa pagitan nila ng co-star na si Rob Gomez. Meron din sina Rob at Herlene Budol. Pawang magkakasama ang mga ito sa serye ng GMA-7 na “Magandang Dilag.” Kaya kung legit talaga ang lumalabas, madaling paniwalain na habang ginagawa nila ito. […]

  • On-screen chemistry nina SANYA at GABBY, sekreto sa tagumpay ng ‘First Yaya’

    MAGWAWAKAS na ngayong gabi ang well-loved primetime series ng GMA Network, ang First Yaya.     After ng ilang buwan na panalo sa ratings game at sa puso ng manonood dahil  na rin sa enthralling plot at gripping performances ng buong cast.     Sa final week, na-convince ni Melody (Sanya Lopez) si President Glenn […]

  • Iniimbestigahan sa presinto patay

    PATAY ang isang di pa nakikilalang lalaki nang tangkain nitong barilin ang pulis na mag-iimbestiga sana sa kanya sa loob ng nag Manila Police District-Police Station 2, kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.   Inilarawan ng MPD-PS2 ang suspek na nasa edad 30-35, kayumanggi,katamtaman ang pangangatawan at may mga tattoo sa katawan, paa at braso.   […]