Speaker Romualdez ipinapanukala ang PH-US-India partnership sa pagtatayo ng digital public infrastructures
- Published on April 18, 2023
- by @peoplesbalita
IPINANUKALA ni House Speaker Martin Romualdez ang posibleng partnership ng Pilipinas, United States (US), at India sa pagtatayo ng digital public infrastructure sa bansa.
Ginawa ni Romualdez ang kanyang panukala matapos dumalo sa Digital Public Infrastructure lecture nuong Sabado (Philippine time) na ginanap sa International Monetary Fund (IMF) headquarters sa Washington D.C. kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makausap nito si Mr. Nandan Nilekani, isa sa mga founders ng Indian multinational information technology company ang Infosys.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng World Bank (WB)-IMF Spring Meetings.
Binigyang-diin ni Spealer na ang pagtatayo ng public digital platforms ay napaka angkop at naka linya sa campaign promise ng Pangulong Marcos na palakasin ang digital transformation ng bansa.
Ipinunto ni Speaker na ito ang dahilan sa pagpasa ng House of Representatives sa E-Governance/E-Government Bill, na layong ilipat ang buong burukrasya sa digital space para sa mas mabilis at transparent na pagbibigay serbisyo at magkaroon ng magandang pakikipag ugnayan sa publiko.
Sa kabilang dako, binati naman ni Speaker ang economic team ng Pang. Marcos na matagumpay na naiprinisinta ang economic situation ng Pilipinas sa isinagawang Philippine Economic Briefing sa Washington. (Daris Jose)
-
PDu30, muling nanindigan sa posibilidad na pagbabalik ng death penalty
MULING nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan. Giit ng Pangulo, basta’t karumal-dumal na krimen lalo na’t ginawa ang krimen sa mga inosente sabi ng Pangulo ay dapat pang na maibalik ang capital punishment. Aniya, hindi naman pinawalang saysay kundi sinuspinde lamang ang death penalty. “I […]
-
Fil-Am sprinter Kristina Knott nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Filipina-American sprinter Kristina Marie Knott. Ang nasabing anunsiyo ay kasabay ng anunsiyo na ito ay nag-qualified sa 2020 Tokyo Olympics. Sinabi ni Philip Ella Juico, pangul ng Philippine Athletics Track and Field Association na fully vaccinated na si Knott at siya ay asymptomatic. Kasalukuyan na […]
-
Dahil kumpleto ang kanyang mga anak: NORA, tiyak sobrang saya sa celebration ng kanyang 70th birthday
TIYAK na sobrang saya ng nag-iisang Superstar at Nationa Artist na si Nora Aunor sa celebration ng kanyang 70th birthday noong May 20, isang araw bago ang kaarawan noong May 21. Nakumpleto kasi ang mga anak ni Ate Guy sa naganap na selebrasyon sa isang hotel sa Quezon City na kung saan […]