• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez: Malasakit ni PBBM sa magsasaka, mamimili nakita sa utos nito sa NFA na bumili ng palay sa mataas na presyo

ANG UTOS umano ni Pangulong Marcos sa National Food Authority na mamili ng palay sa mataas na presyo ay makatutulong sa mga magsasaka at sa pagpapanatili ng presyo ng bigas, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

“This shows the malasakit our President has towards our farmers who have been working very hard for us to achieve food security. We should always take care of them,” saad ng lider ng Kamara.

 

 

Itinakda ng National Food Authority Council, na pinamumunuan ni Marcos ang bilihan ng tuyong palay sa halagang P19-P23 kada kilo at P16-P19 kada kilo naman para sa basang palay upang matiyak na kikita ang mga magsasaka.

 

 

Ayon kay Romualdez ang hakbang na ito ng gobyerno ay titiyak na kikita ang mga magsasaka ng hindi naaapektuhan ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

 

 

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na handa itong suportahan ang NFA Council at mayroong nakahandang P15 bilyon para sa pagbili ng palay.

 

 

Nanawagan din si Speaker Romualdez ng dagdag na suporta sa mga magsasaka upang maparami ng mga ito ang kanilang produksyon at hindi na kailanganin pang mag-angkat ng bigas ang bansa.

 

 

Ipinunto ni Speaker Romualdez na ang mga dayuhang magsasaka ang kumikita kapag nag-aangkat ng bigas ang bansa na nagpapahirap naman sa mga pagsasaka.

 

 

Kung kakailanganin man umanong mag-angkat ng bigas ng bansa, sinabi ni Speaker Romualdez na mahalagang masiguro na mayroong mga safety net gaya ng pagbili ng palay sa magandang presyo upang malimitahan ang epekto nito sa mga magsasaka.

 

 

Iginiit din ni Speaker Romualdez na kung sapat ang suplay, mas makatitiyak ang mga konsumer na hindi tataas ang presyo nito at kikita ang mga magsasaka. (Ara Romero)

Other News
  • Dagdag pang 1.3-M Moderna vaccines dumating sa PH

    Panibago na namang maraming bilang ng Moderna vaccines ang dumating nitong araw ng Martes sa Pilipinas.     Ang mga bakuna ay sakay ng China Airlines plane na nag-landing sa NAIA Terminal 1 sa Parañaque City na kabilang sa nabili na suplay ng Pilipinas.     Sa ngayon ang Moderna supply ng bansa ay umaabot […]

  • Booster shots sa healthcare workers sa Quezon City, lumarga na

    Umarangkada na rin  ang pagbibigay ng  booster shots ng Quezon City  government sa mga healthcare workers kahapon.     May inisyal na  5,000 healthcare workers at non-medical personnel sa health facilities ang bibigyan ng booster shots mula kahapon hanggang sa Biyernes sa ibat- ibang vaccination sites   sa  Rosa Susano Elementary School, Pinyahan ­Elementary School at […]

  • Ellen DeGeneres, nagsalita na sa pinukol na matitinding isyu

    NAG-CELEBRATE ng kanilang monthsary last September 20 sina Barbie Forteza at Jak Roberto.   Pero hindi nagkasama ang dalawa sa araw na iyon.   Kaya nag-throwback post na lang si Barbie sa kanyang Instagram:   “Patunay na ‘di kailangan maging sexy para makasungkit ng sexy… Tiwala lang! Happy monthsary @jakroberto. I miss you so much. […]