• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez, muling kakandidato sa pagka-Kongresista ng unang distrito ng Leyte

NAGHAIN ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa isa pang termino bilang representate ng unang distrito ng Leyte si Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

Inihain niya ang COC sa harap ni Atty. Maria Goretti Canas, Acting Provincial Election Supervisor ng probinsiya ng Leyte.

 

 

Sa kanyang paghahain COC sa Tacloban City’s Commission on Elections (Comelec) office, pinasalamatan ni Romualdez, isang abogado mula sa University of the Philippines (UP), sa mamamayan ng Leyte sa patuloy na tiwala at suporta sa kanyang their political career.

 

 

“Ang patuloy na suporta ng ating mga kababayan ang inspirasyon ko upang ipagpatuloy ang ating nasimulan. Isa pong malaking karangalan ang magsilbi sa Leyte at sa buong bansa,” ani Romualdez, presidente ng Philippine Constitution Association (Philconsa).

 

 

Kasama nito sa paghahain ng kanyang COC ang iba pang mataas na opisyal ng probinsiya, kabilang sina Governor Jericho Petilla, Vice Gov. Leonardo Javier, 2nd District Rep. Karen Javier, at mga mayor mula sa 1st District, tulad ninabRemedios Petilla ng Palo, Lovell Ann Yu-Castro (Alang-alang), Eleonor Lugnasin (Babatngon), Norman Sabdao (San Miguel), Amparo Monteza (Santa Fe), Gina Merilo (Tanauan), at Erwin Ocana (Tolosa).

 

 

“Patuloy nating isusulong ang mga programa na magbibigay ng mas maraming oportunidad hindi lamang sa mga Leyteños kundi pati sa lahat ng Pilipino, lalo na sa larangan ng agrikultura at turismo,” pahayag nito. (Vina de Guzman)

Other News
  • Gonzaga hinugot ng ZUS Coffee

    DESIDIDO ang Zus Coffee Thunderbelles na makipagsabayan sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence na papalo sa susunod na buwan.   Ito ay matapos kunin ng Thunderbelles ang serbisyo ni opposite spiker at dating Most Valuable Player (MVP) Jovelyn Gonzaga para palakasin ang lineup nito.   Pormal nang inanunsiyo ng pamunuan ng Thunderbelles ang pagkuha […]

  • Batas na magpapataw ng mas maraming buwis sa Pogo, tinintahan na ni pdu30

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magtatakda ng karagdagang buwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).   “Pinirmahan kahapon, September 22, 2021, ang Republic Act No. 11590 or an Act taxing Philippine Offshore Gaming Operations,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.   “Bahagi ito sa ating mahigpit na pagri-regulate ng lahat ng […]

  • PGH director nagbabala dahil posible ang ‘surge’ ng Covid-19 sa Enero

    Umapela ang direktor ng Philippine General Hospital (UP-PGH) sa mga kapwa pagamutan na ngayon pa lang ay paghandaan na ang inaasahang pagdating ng mga pasyente pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.   “Hindi dapat magpabaya at maging overconfident,” ani Dr. Gerardo Legaspi sa isang media forum.   Pahayag ito ng opisyal kasunod ng anunsyo ng […]