• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez pormal nang tinanggap ang P5.268-T Marcos proposed nat’l budget; tiniyak ang transparent sa pagpasa

PORMAL nang natanggap ng Kamara ang Proposed 2023 National Expenditure Program (NEP).

 

 

Mismong si House Speaker Martin Romualdez, kasama sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co at vice chair Rep. Stella Quimbo na siyang humarap kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman sa pagsusumite ng P5.268 trillion proposed budget.

 

 

Ang naturang pondo para sa susunod na taon ay 4.9% na mas mataas kumpara sa kasalukuyang 2022 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Pinakamalaking bahagi ng pondong ito na katumbas ng 39.31% o kabuuang P2.071 trillion ay ilalaan sa social services sector.

 

 

Pumangalawa naman ang economic services sector, na paglalaanan ng P1.528-trillion.

 

 

Nasa P807.2 billion ang naka-allocate para sa general public services sector habang kabuuang P611 billion na budget ang inilaan para sa pambayad utang at ang nalalabing P250.7 billion ay para sa defense sector.

 

 

Nananatili na ang DepEd, CHEd, at SUCs sa mga ahensya ng pamahalaan na mayroong pinakamataas na pondo na nagkakahalaga ng P852.8 billion.

 

 

Sinundan naman ito ng DPWH na mayroong P718.4 billion budget.

 

 

Ang DOH at Philhealth na may P296.3 billion, DSWD na may P197 billion, DA at NIA na may P184.1 billion na 39.2% na mas mataas kumpara sa 2022 budget, habang makatatanggap naman ang DOTr ng 167.1 billion.

 

 

“We will make sure that every centavo will be spent wisely to implement programs that would save lives, protect communities and make our economy strong and more agile. in partnership with the Senate and Malacañang, the House leadership will continue the Build, Build, Build program and create more jobs,” wika ni Speaker Romualdez.

 

 

Sa darating na Biyernes, Aug. 26 sisimulan na ang budget briefing kung saan haharap ang DBCC at inaasahang matatalakay ito sa plenaryo sa September 19.

 

 

Siniguro naman ni House Speaker Romualdez na magiging transparent sila sa pagtalakay sa budget at bawat centavo na gagastusin ay hindi mapupunta sa wala.

 

 

“The passage of the 2023 national budget will be transparent. This will be a product of the entire House of Representatives where the majority will listen to the concerns of our friends from the minority bloc. In a manner of speaking, this will be a ‘Unity National Budget’ because we plan to get the widest consensus on our spending plan,” pahayag pa ni Speaker Romualdez.

 

 

Samantala, siniguro naman ni DBM Sec Pangandaman na makikipagtulungan sila sa kongreso para “swift passage” ng national budget.

Other News
  • Nag-trending dahil sa ika-walong taon sa showbiz: MAINE, abala na sa preparasyon sa kasal nila ni ARJO

    NAG-TRENDING si Maine Mendoza.     Ang dahilan, ika-8th anniversary ni Maine sa showbiz. So most likely, ito ang pagpasok niya walong taon ang nakararaan sa Eat Bulaga.     Kahit na sabihin pang sa ika-walong taon niya, wala na siya sa GMA-7 but instead, sa TV5 na with their noontime show, “E.A.T.” ipinagdiwang pa […]

  • Hanoi SEA Games papayagan ang mga audience na manonood sa mga laro

    PAPAYAGAN na ang mga audience na manood ng iba’t-ibang laro sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kinumpirma ito ni Philippine delegation chief of mission Ramon Fernandez matapos ang ginawa nilang final meeting bago ang pagbubukas ng biennial games sa Mayo 12.     Dagdag pa nito na papayagan ang mga tao […]

  • Sec. Roque, agad nagbigay linaw sa anunsyong ‘special working holidays’ ang Nov 2, Dec 24 at 31

    NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang sinabi na malabong irekonsidera at bawiin ng Malakanyang ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 dahil “isang taon na tayong nakabakasyon”.   “Alam nyo po, ang konteksto nito, ‘yung karagdagang araw na pinagpapatrabaho tayo, kasama na po ‘yung bisperas ng Pasko, bisperas […]