• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez, Tingog itinulak agarang pagbibigay ng P20M ayuda sa mga nasunugan sa Tondo

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., itinulak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Tingog Partylist ang agarang pagpapalabas ng P20 milyong halaga ng cash assistance para sa may 2,000 pamilyang nasunugan sa Barangay 105 Aroma sa Tondo, Manila noong Sabado.

 

 

Ang tig-P10,000 tulong sa bawat pamilyang nasunugan ay kukunin sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Bukod sa cash assistance, nakipagtulungan din ang tanggapan ni Romualdez sa Tingog Partylist na pinangungunahan nina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre para sa pamimigay ng mainit na pagkain sa mga biktima noong Linggo.

 

 

Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada Jr., sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr. ay nakapamigay ng 4,500 bowl ng lugaw at arroz caldo sa General Vicente Lim Elementary School evacuation center, Barangay 105 at Barangay 106 covered courts.

 

 

Nagpasalamat naman si Dionisio kina Pangulong Marcos, Speaker Romualdez at DSWD Secretary Gatchalian sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga nasunugan.

 

 

Umaasa si Gabonada na mabilis na makababangon ang mga biktima ng sunog. (Vina de Guzman)

Other News
  • Tinawanan pa nang sitahin kaya lalong nag-init ang ulo… Broadway Legend na si PATTI LUPONE, may mga tinalakan dahil sa pagsusuot ng facemask

    NAKATIKIM ng talak ang dalawang tao mula sa Broadway Legend na si Patti Lupone dahil ayaw nilang ayusin ang pagsuot ng kanilang facemask habang nasa loob sila ng American Theatre Wing.   Ayon sa two-time Tony Award-winning actress, sinita na raw niya ang dalawa tungkol sa kanilang facemask habang nasa entablado siya para sa Q&A […]

  • DOJ SPOX, nagbitiw

    DAHIL umano sa “serious reasons” kaya nagdesisyong magbitiw sa puwesto si Justice Usec. Markk Perete.   Sa mensahe ni Perete sa media ngayong umaga, nagsumite na siya ng resignation sa Department of Justice o DOJ at ito ay epektibo umano ngayong araw.   Wala namang iba pang detalyeng ibinahagi ni Parete hinggil sa kanyang resignation. […]

  • RIDER, NADULAS ANG MOTORSIKLO, PATAY

    NASAWI ang isang 38-anyos na rider nang nadulas ang sinasakyang motorsiklo sa Tondo, Maynila Huwebes ng gabi.     Kinilala ang  biktima na  si  Elmer Payot y Onez, ng  2304 Rizal Avenue corner Matang Tubig St., Tondo.  Maynila na namatay sa pinangyarihan ng insidente .     Sa ulat ni Corporal Eric Jay Despabiladero ng […]