“Special economic at freeport zone” sa Bulacan Airport City, bineto ni PBBM- Malakanyang
- Published on July 4, 2022
- by @peoplesbalita
BINETO (VETO) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na magtatayo ng “special economic at freeport zone” sa Bulacan Airport City.
Sa isang text message, kinumpirma ni PCOO at Press Secretary Trixie Angeles na bineto (veto) ng Pangulo ang nasabing batas.
“We confirm that the president signed the veto of HB 7575 entitled, “AN ACT ESTABLISHING THE BULACAN AIRPORT CITY SPECIAL ECONOMIC ZONE AND FREEPORT, PROVINCE OF BULACAN AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR.”
The constitution requires that in case of a veto, the bill shall be returned to the House where it originated, along with the President’s objections. Attached hereto are the objections and explanation of the veto,” ayon kay Angeles.
Sa ulat, tinatayang nasa $15 bilyon ang inilagak na puhunan ng San Miguel Corporation para sa pagpapatayo sa airport.
Nakasaad sa liham ni Pangulong Marcos sa Kongreso kahapon, Hulyo 1, na pasisikipin nito ang tax base ng bansa.
Bukod pa sa magdudulot lamang kasi ito ng fiscal risk at may conflict sa ibang sangay ng ahensya ng pamahalaan.
Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa NANTIONAL Economic and Development Authority at Regional Development Council na pag-aralang mabuti ang panukalang batas.
Tinatayang nasa 100 milyong pasahero ang masi-serbisyuhan sana ng Bulacan airport kapag naging operational na.
Buwan ng Mayo nang pinal nang pinagtibay ng Senado sa third at final reading ang panukalang magtayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone at Freeport Authority (BACSEZFA).
21 Senador ang bumoto pabor habang walang tumutol nang isalang ang Senate Bill no. 7575 para sa pagtatayo ng domestic at international airport sa lalawigan.
Isa ito sa nakikitang solusyon ng Kongreso para tuluyang madecongest ang Metro Manila bukod pa sa inaasahang maibibigay na trabaho sa milyun-milyong mga Pilipino.
Sa panukalang Bulacan Air Hub, ididesenyo ito para ma-accomodate ang hanggang 100 milyong biyahero kada taon.
Maglalagay din ng special economic zone at freeport authority para sa malayang pagpasok at paglabas ng mga produkto.
Noong nakaraang taon, binigyan na ng 50 taong prangkisa ang San Miguel Corporation para magtayo at mag-operate ng domestic at international airport sa may 2,500 ektaryang lupain sa Bulacan. (Daris Jose)
-
Contact tracing , isolation at treatment, gagawing tuluy- tuloy ng gobyerno
HINDI ititigil at magpapatuloy ang tracing at isolation effort ng gobyerno kahit may mga bakuna pang dumating sa bansa. Ito ang tiniyak ni Deputy Chief Implementer at Testing czar Secretary Vince Dizon sa kabila ng aniya’y labis ng pagod na nararamdaman ng mga may mahalagang papel sa patuloy pa ding nararanasang pandemya. Aniya, […]
-
HALOS 2 MILYONG HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE
TINATAYANG halos P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasasam sa pagkakaaresto ng tatlong katao kabilang ang nominee ng isang party List at isang menor de edad sa isang buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Asrap Kamad Kasan Datu (ASRAP) , Nominee Partylist […]
-
Napakahusay talagang magpakilig: STELL, single pero ‘forever boyfriend’ na ng mga A’TIN
NAPAKAHUSAY talagang magpakilig ni Stell Ajero ng SB19, no wonder andaming may crush at nagpapantasya sa kanya. Sa pinaka-aabangang guesting niya kay King of Talk sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay naitanong rin sa wakas kay Stell ang million-dollar question na nais itanong sa kanya ng marami; ang tungkol sa kanyang lovelife. […]