• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets

NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residente ng lungsod.

 

 

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod.

 

 

Maliban sa mga tablet na para sa Special Education learners, nagbigay din si Tiangco ng 500 tablets para sa mga estudyanteng Grade 1 hanggang 12 sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng pondo ng Navotas City Council for the Protection of Children.

 

 

Bahagi aniya ito ng mga hakbang upang maging mas inklusibo ang sistema ng edukasyon sa lungsod at bilang tulong sa kahandaan ng mga mag-aaral na Navoteño sa susunod na pasukan.

 

 

Hinimok ni Mayor John Rey ang mga estudyante na patuloy na magsikap sa kanilang pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap. Siniguro rin niya ang patuloy na pagsulong sa mga proyektong magpapataas pa sa kalidad ng edukasyon sa Navotas.

 

 

“Naniniwala po tayo sa kahalagahan ng edukasyon sa pagtupad ng mga pangarap ng ating mga kabataan. Kaya sisikapin nating patuloy na makapagsusulong ng mga proyekto at programang mag-aangat pang lalo sa kalidad ng edukasyon para sa mga Navoteño,” pahayag ni Mayor Tiangco sa kanyang speech sa ginanap na simpleng turnover at distribution ceremony. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • May dinelete sa conversation para palabasing may affair: BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB

    May dinelete sa conversation para palabasing may affair: BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB NAGSALITA na si Bianca Manalo tungkol sa kinasangkutan niyang kontrobersya kasama ang co-star niya sa teleserye na ‘Magandang Dilag’ na si Rob Gomez. Kumalat kamakailan sa social media ang conversation nila diumano ni Rob at parang lumalabas na […]

  • LTO bibili ng breath analyzers sa pagtugis sa mga lasing na driver

    HANDANG bumili ang Land Transportation Office (LTO) ng dagdag na breath analyzers para sa kaligtasan ng lahat ng motorista sa bansa.     Ang naturang breath analyzers ay para sa full implementation ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Sa pamamagitan ng naturang analyzers ay madalian nang madedetermina ang isang motorista na lango sa […]

  • KELOT TIKLO SA DRUG BUY BUST SA VALENZUELA

    KULONG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buu bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong suspek na si Edmond Carreon alyas […]