Special task group binuo sa kaso sa pamamaril sa mayor ng Infanta, Quezon
- Published on March 2, 2022
- by @peoplesbalita
INATASAN ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos si Police Regional Office (PRO) Calabarzon regional director B/Gen. Antonio Yarra na bumuo ng Special Investigation Task Group upang tutukan ang kaso sa pamamaril kahapon sa alkalde ng Infanta, Quezon na si Mayor Filipina Grace America.
Sinabi ni PNP Public Information Office chief B/Gen. Roderick Augustus Alba, na siniguro din ng PNP vhief ang availability ng lahat ng resources ng mga PNP National Support Units para sa imbestigasyon at pursuit operations tungo sa mabilis na resolusyon ng kaso.
Ayon kay Alba, kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint operations ang PNP sa Infanta, Quezon at mga karatig na lugar para maharang ang mga suspek sa insidente.
Sinisiyasat na rin aniya ng mga forensic investigators ang mga narekober na ebidensya sa pinangyarihan ng insidente sa Rizal corner Zamora Streets in Poblacion 1, Infanta, Quezon.
Si Mayor America, na reelectionist sa halalan, ay kasalukuyang ginagamot sa isang pribadong ospital sa Metro Manila, matapos na ilipad ng isang military aircraft kahapon ng hapon.
Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin ang kanyang sinasakyan itim na SUV habang pauwi sa kanyang bahay mula sa simbahan.
-
PBA lalayasan ng players; lilipat sa ibang bansa
Dapat na umanong kabahan ang Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagpili ng ilang manlalaro na dalhin ang kanilang talento sa abroad kaysa maglaro sa liga. Ito ang malaking hamon sa pamunuan ng PBA matapos pumirma bilang import sa Japan si Thirdy Ravena kaysa lumahok sa PBA draft. Sa ngayon, maraming bansa sa Asya ang nagbibigay ng offer sa mga […]
-
Pagpapalawig sa libreng Sakay extension sa EDSA buses, LRT-2 trains sa Metro Manila, muling ipinanawagan
IKINAGALAK ni CamSur Rep. LRay Villafuerte ang desisyon ng palasyo na palawigin pa hanggang Disyembre ngayon taon ang free bus ride program nito sa EDSA. Gayunman, umapela ang mambabatas sa dalawang kapulungan ng kongreso na mag-realign ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) upang makapaglaan ang pamahalaan ng pondo upang mapalawig pa hanggang […]
-
NAIA may bagong website, logo, social media pages
INILUNSAD ng New NAIA Infra Cor. (NNIC), ang bagong operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang bagong website, social media pages at logo matapos ang ginawang take-over ng nasabing bagong pribadong kumpanya. Ang bagong website ay nakatuon sa pagbibigay ng kumpletong inpormasyon tungkol sa operasyon ng NAIA kasama ang detalying inpormasyon sa […]