• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Sports Summit 2021 napapanahon upang pag-usapan ang hamon sa mga atleta’

Binuksan ngayon ang National Sports Summit 2021 na naglalayong makabalangkas ng mga polisiya para sa mga atletang Pinoy sa panahon ng pandemya.

 

 

Ang summit ay ginaganap anim na buwan bago naman ang Tokyo Olympics kung saan hanggang sa ngayon ay pangarap pa rin ng Pilipinas ang kahit isang gold medal sa Olimpiyada.

 

 

Kabilang sa nagbigay ng kani-kanilang mensahe para sa matagumapay na summit ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Christopher Lawrence Go, chair ng Senate Committee on Youth and Sports, Rep. Yul Servo, chair ng House Committee on Youth and Sports at Department of Education Secretary Leonor Briones.

 

 

Sa kanyang mensahe, inamin ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang malaking hamon na kinakaharap ngayon ng sports bunsod ng COVID pandemic.

 

 

Ang tinaguriang Sports Conversations ay serye ng weekly conference-type online sessions na hinohost ng (PSC).

 

 

Gagawin ito simula ngayong araw via Zoom at tatakbo hanggang Mayo ng taong ito.

 

 

“We know how much they value the role of sports in nation-building.” ani Ramirez. “We hope that they will inspire our participants to excel also and make a difference.”

Other News
  • DepEd at DOH inilatag na ang guidelines ng limited face-to-face classes

    Pormal nang nilagdaan nina Education Secretary Leonor Magtolis Briones at Health Secretary Francisco Duque III ang Joint Memorandum Circular para sa pilot implementation ng Limited Face-to-face Learning Modality.     Magkasamang binuo ng DepEd at DOH ang operational guidelines upang masiguro ang kaligtasan ng mga lalahok na mag-aaral, guro, at iba pang school personnel at […]

  • Serbisyong pangkalusugan gawing digital – Citizen Watch Philippines

    Nanawagan ang isang consumer group para sa digital transformation ng health care sector upang mapunan ang malaking patlang sa paghahatid ng medical services sa mga mamamayang Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa isang pahayag, sinabi ng Citizen Watch Philippines na ang “digital transformation” o ang paglipat sa online ng mga serbisyong pangkalusugan ng Philippine […]

  • Pinas, naghahanda ng tax measures para bayaran ang COVID-19 response

    NAGHAHANDA na ang Department of Finance (DOF) ng fiscal consolidation proposal nito para sa gagawing pagpapataas sa singil sa buwis para pambayad sa tumataas na utang ng Pilipinas.     Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), na kasama sa kanyang panukala ang measures o mga hakbang […]