• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spurs sunog sa Heat

KUMAMADA si center Bam Adebayo ng season-high 36 points para banderahan ang Eastern Conference-leading Heat sa 133-129 paggupo sa San Antonio Spurs.

 

 

Nag-ambag si Tyler Herro ng 27 markers para ibangon ang Miami (40-21) mula sa 16-point deficit at resbakan ang San Antonio (24-37).

 

 

May 27 points din si Jimmy Butler sa loob ng 30 minutong paglalaro para sa Heat at hindi na ginamit ni Fil-Am head coach Erik Spoelstra sa fourth period.

 

 

Umiskor si Devin Vassell ng career-high 22 points sa panig ng Spurs habang may tig-22 markers sina Keita Bates-Diop at Lonnie Walker IV.

 

 

Sa Chicago, naghulog si Ja Morant ng franchise-record 46 points sa 116-110 pagdakma ng Memphis Grizzlies (42-20) sa Bulls (39-22).

 

 

Sa Denver, isinalpak ni Monte Morris ang tiebreaking triple sa huling 28 segundo at kumolekta si Nikola Jokic ng triple-double na 18 points, 11 assists at 10 rebounds sa 115-110 panalo ng Nuggets (35-25) sa Sacramento Kings (22-40).

 

 

Sa Milwaukee, humataw si Kyrie Irving ng season-high 38 points sa 126-123 pagtakas ng Brooklyn Nets (32-29) sa nagdedepensang Bucks (36-25).

 

 

Sa iba pang laro, dinagit ng Atlanta Hawks ang Toronto Raptors, 127-100; at tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Washington Wizards, 92-86.

Other News
  • Fajardo utay-utay lang muna sa pagpapraktis

    HINDI nakakaramdam ng sakit si Philippine Basketball Association star June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa kanyang shin injury, pero ayaw pa niyang tumodo sa mga ensayo.     May palugit pa naman siya upang makondisyon bago buksan ang 46th PBA Philippine Cup 2021 bago matapos ang kasalukuyang buwan o unang linggo ng Hulyo. […]

  • PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco

    PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, at San Miguel Corporation (SMC) President Ramon Ang, ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para mabawasan ang polusyon sa Navotas River sa pamamagitan ng Adopt-a-River Program. (Richard Mesa)

  • Quarantine violators mahaharap sa civil, criminal charges- Malakanyang

    PAPATAWAN ng pamahalaan ng kaparusahan ang mga quarantine violators at ipapataw ang “fullest extent of the law.”   Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay matapos na laktawan ng Filipino traveler mula Estados Unidos ang sumailalim sa isolation para lamang makadalo sa isang party.   Ang biyahero ay nakilala sa pangalang Gwyneth Chua na dumating […]