SRA ng healthcare workers naipamigay na
- Published on October 14, 2021
- by @peoplesbalita
Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na naipamahagi na nila ang ‘special risk allowances (SRA)’ ng batches 3 at 4 ng mga healthcare workers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Duque na aabot sa P617.2 milyon ang kabuuang halaga ng SRA na kanilang naipamahagi sa kabuuang 48,226 HCWs nitong Oktubre 6.
Unang naibigay ang P309.2 milyong halaga ng SRA sa Batch 2 na kinapapalooban ng 21,248 HCWs noong Agosto 31.
Umabot naman sa P6.92 bilyon ang halaga ng SRA na naipamigay sa unang batch ng HCWs mula Setyembre 2020 hanggang Disyembre 2020.
Sa kabuuan, aabot na sa P15.88 bilyon halaga ng iba’t ibang benepisyo ang naipamahagi na umano ng DOH sa mga HCWs bilang bahagi ng paglaban nila sa COVID-19 ngayong pandemya.(Daris Jose)
-
Petecio naka-usad na sa susunod na round ng women’s 57 kgs. boxing
NAGWAGI si Pinay boxer Nesthy Petecio sa women’s 57 kgs. round of round sa nagpapatuloy na Paris Olympics. Nakuha ni Petecio ang unanimous decision laban kay Jaismine ng India sa laban nila nitong madaling araw ng Hulyo 31. Mula sa una hangang sa last round ay dominado ni Petecio na silver medalist noong Tokyo Olympics […]
-
Cemetery pass sa mga gugunita ng undas sa Navotas
NAGTAKDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan sa mga nais maggunita ng Undas at mag-i-isyu ng pass sa mga dadalaw sa puntod ng mga mahal nila sa buhay kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod mula October 30 hanggang November 4, 2020. Ang naturang hakbang ay […]
-
Naghiwalay na pagkatapos ng tatlong taon: JASON, ‘di itinago na naging ‘unfaithful’ bilang asawa ni MOIRA
PAGKATAPOS ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, naghiwalay na sina Jason Hernandez at Moira dela Torre. Hindi inaasahan ng mga tagahanga nila Jason at Moira na aabot sa paghihiwalay ang dalawa dahil noong January 2019 lamang sila kinasal. Hindi naman itinago ni Jason na naging unfaithful siya bilang asawa […]