SRA officials sa pag-angkat ng asukal, pinagbibitiw lahat
- Published on August 16, 2022
- by @peoplesbalita
PINAGBIBITIW ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sangkot sa pagpirma sa illigal na importation order para sa may 300,000 metrikong tolenada ng asukal.
Ayon kay Zubiri, kung mayroong delicadeza ang mga taga SRA ay dapat mag-resign na sila lalo at laman sila ng lahat ng balita dahil sa illegal Sugar order No. 4.
Ang panawagan ay ginawa ng Senador matapos sabihin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagbitiw si Undersecretary Leocadio Sebastian sa kanyang puwesto bilang undersecretary for operations at chief of staff ng Secretary of Agriculture, isang pwesto na hawak din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Paliwanag ni Cruz-Angeles, humingi ng paumanhin si Sebastian kay Marcos sa paglagda sa Sugar Order No. 4 nang walang pag-apruba ng Pangulo na siyang tumatayong kalihim ng DA, at chairman din ng Sugar Regulatory Board.
Bukod umano sa pagbibitiw, dapat pa rin sampahan sila ng kaso dahil ipinamahak ng mga opisyal ng SRA si Pangulong Marcos, kaya dapat silang turuan ng leksyon.
Isang kasinungalingan din umano ang sinasabi ng mga opisyal ng SRA na wala ng asukal, kaya hihilingin din umano ni Zubiri na imbestigahan ang tangkang pag-aangkat.
Matatandaan na sinabi ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na kailangan ng Pilipinas na mag-import ng 300,000 metric tons ng asukal upang patatagin ang presyo ng mga bilihin sa merkado. (Daris Jose)
-
Bagong testing at quarantine protocols, epektibo sa Pebrero 1
MAGPAPATUPAD ng bagong testing at quarantine protocols, epektibo sa Pebrero 1 ang Inter-Agency Task Force (IATF). Sa katunayan ay pinagtibay ng IATF kahapon, Enero 26, 2021 ang sumusunod na testing at quarantine protocols para sa lahat ng tao na papayagang makapasok ng Pilipinas. Ang mga darating na pasahero saan man manggagaling ay kailangan […]
-
Final lineup ng Gilas sa FIBA Asia 2021 qualifiers inilabas na
Inilabas na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang final lineup para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. Pinangunahan ni Kobe Paras, Juan at Javi Gomez de Liano, Isaac Go, Rey Suerte, Matt at Mike Nieto, Justine Baltazar, Kemark Carino, Will Navarro, Dwight Ramos at Dave Ildefonso. Hindi naman nakasama sa line up […]
-
Pope Francis muling ipinagdasal ang mga kaguluhan sa Ukraine
PINANGUNAHAN ni Pope Francis ang pagdarasal para sa kapayapaan sa Ukraine. Sa kanyang lingguhang Angelus prayer sa St. Peters’ Square sa Vatican, sinabi nito na lubhang nakakabahala ang mga pangyayari sa Ukraine. Nanawagan ito sa mga pulitiko doon na dapat maging prioridad ang kapayapaan para sa kapakanan ng kanilang mamamayan. […]