• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SRA officials sa pag-angkat ng asukal, pinagbibitiw lahat

PINAGBIBITIW  ni Se­nate President Juan Miguel Zubiri ang mga opisyal ng Sugar Regulatory ­Administration (SRA) na sangkot sa pagpirma sa illigal na importation order para sa may 300,000 me­trikong tolenada ng asukal.

 

 

Ayon kay Zubiri, kung mayroong delicadeza ang mga taga SRA ay dapat mag-resign na sila lalo at laman sila ng lahat ng balita dahil sa illegal Sugar order No. 4.

 

 

Ang panawagan ay ginawa ng Senador matapos sabihin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagbitiw si Undersecretary Leocadio Sebastian sa kanyang puwesto bilang undersecretary for operations at chief of staff ng Secretary of Agriculture, isang pwesto na hawak din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Paliwanag ni Cruz-Angeles, humingi ng paumanhin si Sebastian kay Marcos sa paglagda sa Sugar Order No. 4 nang walang pag-apruba ng Pangulo na siyang tumatayong kalihim ng DA, at chairman din ng Sugar Regulatory Board.

 

 

Bukod umano sa pagbibitiw, dapat pa rin sampahan sila ng kaso dahil ipinamahak ng mga opisyal ng SRA si Pangulong Marcos, kaya dapat silang turuan ng leksyon.

 

 

Isang kasinungalingan din umano ang sinasabi ng mga opisyal ng SRA na wala ng asukal, kaya ­hihilingin din umano ni Zubiri na imbestigahan ang tangkang pag-aangkat.

 

 

Matatandaan na sinabi ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na kailangan ng Pilipinas na mag-import ng 300,000 metric tons ng asukal upang patatagin ang ­presyo ng mga bilihin sa merkado. (Daris Jose)

Other News
  • Swiatek at Nadal hinirang bilang world champions ng ITF

    TINANGHAL bilang world champions ng International Tennis Federations (ITF) sina Rafael Nadal at iga Swiatek.     Ito ay matapos ang matagumpay nilang panalo sa iba’t-ibang torneo ngayong taon.     Nagwagi kasi si Nadal sa Australian Open at nakuha nito ang ika-14 na French Open ganun din ang pagkakuha nito ngayong taon ng kaniyang […]

  • Heat pinalawig ng apat na taon ang kontrata ni Herro

    PINALAWIG pa ng Miami Heat ang kontrata ng kanilang guard na si Tyler Herro ng apat na taon.     Ayon sa koponan na nagkakahalaga ng $30 milyon kada season ang nasabing kontrata nito.     Sinabi ni Heat president Pat Riley na isang multi-faceted player si Tyler kaya hindi na nila ito binitawan.   […]

  • COVID vaccine mula sa Pfizer nakarating na sa Singapore

    Natanggap na ng Singapore ang unang shipment ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer at BioNTech.   Lulan ng flight SQ7979 ng Singapore Airlines 747-400 freighter ang nasabing bakuna.   Mula umano ito sa Brussels at dumating sa Changi Airport ng Singapore ng alas-7:36 pm nitong Lunes ng gabi.   Tinanggap ito ni Transport Minister […]