• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SRP sa bigas planong ipatupad ng DA

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail prices (SRPs) sa bigas upang matiyak na may bigas na makakain ang lahat ng sambayanang Pilipino sa abot kayang presyo ng produkto.

 

 

Gayunman, sinabi ni DA Asst Secretary at spokesman Arnel de Mesa na upang maipatupad ang hakbang ay kailangan muna nilang kumonsulta sa lahat ng mga stakeholders mula sa consumer groups, producer groups, traders at millers upang maitakda ang SRP.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ng DA nang ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may pagtaas sa pre­syo ng bigas ng may 22.9 percent noong Disyembre 2023, ang pinaka mabilis na pagsirit ng presyo sa nakalipas na 14 na taon.

 

 

Kailangan nating tignan ‘yung composition sa producers group, paano na produce ‘yung palay hanggang sa maging bigas. And then, on the traders side, ano mga gastusin nila sa warehousing, sa milling, sa drying. Sa retailers naman, magkano ‘yung kanilang mga gastusin din po, at maikumpara, at sa ganoong paraan, makikita po ang magiging gains ng SRP,” pahayag ni De Mesa.

 

 

Noong Disyembre 2023, ang presyo ng well-milled rice kada kilo ay pumalo sa P53.82, mas mataas ito sa P51.99 per kilo noong November 2023 o halos mataas ng P10 kung ikukumpara sa P43.98 kada kilo ng bigas noong December 2022. (Daris Jose)

Other News
  • Ex-adviser ni Digong protector ng POGO?

    PINANGALANAN sa Senado ng isang babaeng Taiwanese ang umano’y protektor ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na isang Michael Yang.   Sinabi naman ni Senador Risa Hontiveros na inaalam pa nito kung ang tinukoy na Michael Yang ng nasabing Taiwanese woman ay ang dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pangalan […]

  • Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban

    Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr.     Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 […]

  • Paghahanda ng ‘legal briefer’ ng DOJ ukol sa ICC warrants, standard procedure lang – Garafil

    “THIS  is standard procedure, not a change in position,”     Ito ang tugon ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil sa ginagawang paghahanda ng Department of Justice’s (DOJ) na ‘legal briefer’ sa mga legal na opsyon na magagamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay […]