SSS, GSIS inanunsiyo pagpapalabas ng 13th month, holiday pensions
- Published on December 3, 2022
- by @peoplesbalita
TATANGGAP na ng kanilang 13th month at December pension ang lahat ng pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa unang linggo ng December 2022.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino ang pension fund na ipalalabas ay may halagang P29.74 billion para sa 3.36 million pensioners ng SSS.
Ang mga pensioners na qualified na tumanggap ng 13th month pension ay SSS retirement pensioners, SSS Employees’ Compensation (EC) survivor, at total disability pensioners kasama na ang partial disability pensioners na ang pension duration ay hindi lalampas ng 12 buwan.
Samantala, sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso ang matatanggap ng kanilang pensioners ay katumbas ng kanilang buwanang pensyon na hindi bababa sa P10,000.
Nasa kabuuang P3.35 bilyon Christmas cash gift ang ilalabas ng GSIS para sa higit 328,000 old-age at disability pensioners na ipamimigay simula sa Disyembre 6.
Ang mga pensiyonado na may edad na at may kapansanan na nasa suspendido na katayuan noong Disyembre 31, 2022 dahil sa hindi pagsunod sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) ay makakatanggap din ng kanilang cash gift pagkatapos nilang muling i-activate ang kanilang status.
Ang mga nagretiro noong 2018 hanggang ngayon taon na kinuha ang 18-month cash payment ng kanilang basic monthly pension, ay tatanggap ng cash gift makalipas ang limang taon.
-
Creamline VS Choco Mucho: Record Breaking crowd
Ginamot ng Creamline at Choco Mucho ang rekord na 19,000 sumisigaw na mga tagahanga sa SM Mall of Asia Arena sa isang nakabibighani na labanan ng kapangyarihan, mabilis na mga hit, at pag-save sa grand slam-seeking Cool Smashers na lumabas sa 15-25, 25-20, 25- 20, 28-26 winner para isara ang Premier Volleyball League Reinforced Conference […]
-
PBBM, sa kondisyon ng Pinas: ‘Dumating na ang Bagong Pilipinas’
Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon. Ayon sa Pangulo, ang kalagayan ng bansa ay matatag at mabuti at ang bagong Pilipinas ay dumating na. Tinuran ng Pangulo na ang kanyang kumpiyansa ay “further buoyed by the […]
-
LA Tenorio ipinalit kay Josh Reyes bilang head coach ng Batang Gilas
INAASAHAN na marami ang maitutulong ng PBA star na si LA Tenorio para sa pagpapabuti ng mga batang player ng Gilas Pilipinas Youth bilang head coach nito matapos siyang italaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. Ayon kay SBP President Al Panlilio, si Tenorio ay isang mabuting halimbawa ng pagiging lider at tiyak na […]