SSS, may bagong retirement savings scheme sa mga miyembro
- Published on December 19, 2022
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Social Security System (SSS) ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus, ang pinakabagong retirement savings scheme para sa mga miyembro ng SSS.
Sa press briefing, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na ang WISP Plus ay isang voluntary retirement savings program na eksklusibong laan para sa SSS members bilang dagdag-proteksiyon sa kanilang regular social security program.
“We have been spearheading the concept of work, save, invest, and prosper to our members. WISP Plus is a program both for saving and investing. It is an affordable and tax-free savings scheme which will allow our members to save by contributing to the program and invest because their money will generate earnings,” pahayag ni Regino.
Ang WISP Plus ay para sa lahat ng SSS members kahit ano pa ang kanilang membership type, declared monthly earnings, at last posted monthly salary credit (MSC).
“The current WISP is another provident fund program which is compulsory for SSS members who are contributing to the regular program under the MSC that exceeds P20,000. It was mandatorily implemented in January 2021 as part of the amendment in the SS Law last 2018,” dagdag ni Regino. (Daris Jose)
-
Kawalang trabaho tumalon sa 4.5% nitong Hunyo, ayon sa PSA
UMAKYAT ang bilang at porsyento ng walang trabaho sa work force ng Pilipinas matapos itong humataw sa 2.33 milyon nitong Hunyo, mas mataas ng 159,000 kaysa noong Mayo 2023. Ito’y matapos lumobo 4.5% ang unemployment rate para sa naturang buwan, mas mataas kumpara sa 4.3% bago ito, sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules. […]
-
4 nasakote sa buy bust sa Valenzuela at Caloocan
Timbog ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities, kahapon ng madaling araw. Dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna […]
-
Ugandan marathon runner Rebecca Cheptegei pumanaw na matapos sunugin ng nobyo
PUMANAW na ang Ugandan marathon runner na si Rebecca Cheptegei matapos na siya ay silaban ng nobyo. Ang 33-anyos na si Cheptegei ay nagtamo ng matinding sunog sa halos 80 porsyento ng kanyang katawan ng sunugin siy ang kanyang nobya habang nasa kanilang bahay sa western Trans Nzoia County. Hawak na […]