Unemployment rate bumaba sa 10% nang luwagan ang lockdown
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
Milyun-milyong Pilipino ang nabawi ang kani-kanilang mga trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes.
Lumalabas sa ulat ng gobyerno na 10% ng Pilipinong parte ng labor force, o mga taong naghahanap ng trabaho, ang walang trabaho o negosyo nitong Hulyo. Ito ay nangangahulugang mga 4.6 milyong Pilipino na walang trabaho.
Malayo-layo ito kumpara sa naitalang 17.7% record-high unemployment rate ng ahensya noong Abril habang kasagsagan ng mga COVID-19 lockdowns sa Pilipinas.
Ibig sabihin, nasa 2.7 milyong trabaho ang naibalik sa ekonomiya ng Pilipinas simula nang dumami ang isinailalim sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).
Gayunpaman, higit na mas marami pa ring walang trabaho ngayon kumpara noong parehong panahon noong isang taon.
“Ito ay mas mataas ng 2.2 milyon kaysa sa bilang noong July 2019 na nasa 5.4 percent o 2.4 milyon,” sambit ng PSA sa kanilang report ngayong umaga.
“Ang bilang ng may trabaho o negosyo ay bumaba ng 1.2 milyon mula July 2019 hanggang July 2020. Nitong nakaraang July, ang bilang ng mga may trabaho o negosyo ay naitala sa 41.3 milyon na lamang.”
Pantay naman ang naitalang employment rate ng mga kababaihan at kalalakihan nitong Hulyo. Batay sa mga numero, siyam sa bawat sampung babae at lalaking nasa labor force ang may trabaho o negosyo, habang isa sa kada sampung babae o lalaki ang walang trabaho.
Nangyayari ang lahat ng ito habang nasa ilalim ng “technical recession” ang ekonomiya ng Pilipinas, bagay na sinasabing pinakamalala simula pa noong 1981.
-
Ads December 29, 2022
-
P112 milyon gagastusin ng DepEd sa mga iskul na nawasak kay ‘Karding’
AABOT sa mahigit P112 milyon ang inisyal na halagang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) sa pagkukumpuni ng mga paaralang winasak ng super bagyong Karding. Sa preliminary assessment report ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng DepEd, 20 paaralan ang nagtamo ng infrastructure damage na matatagpuan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, […]
-
Sinabihang ‘banong umarte’ sa mismong kaarawan: DAVID, aminado na apektado ‘pag naba-bash ang acting
AMINADO naman si David Licauco na kapag naba-bash ang acting niya ay apektado siya. Lahad ni David, “Siguro pag bina-bash ang acting ko. Dun ako naba-bad trip. Minsan gusto kong mag-reply. “Pero siyempre, e, entitled naman sila sa opinions nila, e. “Pero OK lang naman sa akin. Sa totoo lang, immune na […]