Standhardinger paaastigin si Holmqvist sa Gin Kings
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
KARAMIHAN marahil sa mga kumakarir sa basketbol, gustong mapunta sa Barangay Ginebra San Miguel kapag nag-propesyonal na o mag-Philippine Basketball Association (PBA).
Isa na riyan si Ken Holmqvist.
Mas mapalad nga lang ang 26 na taong gulang na Filipino-Norwegian sa ibang kapwa basketbolista dahil napagbigyan ang kanyang inaasam.
Sa virtual 36th PBA Draft 2021 noong Linggo, Marso 12, unang inanunsyo ni BGSM coach Earl Timothy Cone ang pangalan ng 6-8 slotman bilang first round, 12th overall pick ng Gin Kings.
Magkasunod sina Holmqvist at Fil-American Brian Enriquez na first pick at second round, 13th overall na kinuha ng crowd darlings.
Silang dalawa lang ang mga kinuha ng alak sa sa draft na kinapalooban ng 86 aplikante at 65 ang mga binunot ng 12 koponan. Nag-pass na ang Ginebra sa third round.
Makakapareha ni Holmqvist si Fil-German Christian Standhardinger na bagong salta lang din sa team pero magiging mentor niya. Galing si C-Stan sa NorthPort Batang Pier via trade kay Gregory William Slaughter.
Namamalagi na sa ‘Pinas si Holmqvist, pero naisipang umuwi ng Norway noong 2016. Ilang taon ang nakalipas, bumalik ng bansa at natupad na ang pangarap.
“I’m really happy to be picked by Ginebra,” bigkas ni Holmqvist na lumaro dati sa Far Eastern University Tamaraws sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
“That’s exactly where I wanted to go,” panapos na wika nang magiging isa sa pangunahing piyesa ng new-look frontline ng Kings.
Ang iba pang malalaking makakapareho niya sa Gins ay sina Prince Caperal at Japeth Paul Aguilar. Kadarating lang din ni Standhardinger mula NorthPort sa one-on-one swap kay Greg Slaughter.
Aabangan ng Opensa Depensa ang ‘binyag’ ni Holmqvist sa liga na planong magbvukas ng 46th season Philippine Cup 2021 sa Abril 18 sa Ynares Center sa Antipolo City.
-
Ads July 26, 2023
-
1,000 PAMILYA SA CEBU BINIGYAN NG LIBRENG PABAHAY NG GOBYERNO – NOGRALES
Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang mga opisyal ng National Housing Authority at LGU ang ginanap na ceremonial turnover ng Yolanda housing units sa Santa Fe, Cebu noong Martes, Abril 20, 2021 na aniya’y katuparan ng pangako ng administrasyong Duterte na kumpletohin at agarang ipamahagi sa bawat benepisyaryo ang mga libreng pabahay. […]
-
Karamihang biktima umano ni Quiboloy, pasok na sa witness protection ng DOJ
TINUKOY ni House Appropriations Committee Vice-Chairman at Ako Bicol partylist Rep. Jil Bongalon na ilan sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy ang nasa ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ). Sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, kaugnay ng paghimay ng proposed budget […]