STATE ASSETS, sapat para makatulong sa LGUs na hinagupit ni Marce
- Published on November 11, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na sapat ang national government assets para suportahan ang mga manggagawa at logistics ng local government units (LGUs) na apektado ng bagyong Marce.
Sa press briefing sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni NDRRMC Undersecretary Ariel Nepomuceno na dineploy na ang dedicated teams sa Regions I, II at Cordillera Administrative Region (CAR).
“From the AFP (Armed Forces) for regions I, II, and CAR, mayroong dedicated teams diyan na 1,210 teams, 1,364 vehicles and 88 land assets, water crafts, aircraft dedicated for that. So more than enough naman,” aniya pa rin.
Nag-provide naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 81 land assets, at 132 watercraft para tulungan ang tatlong rehiyon.
Nakahanda naman ang Philippine National Police (PNP) na mag-deploy ng 10,000 tauhan para sa disaster response kung kinakailangan.
Sa ngayon, may kabuuang 10,795 pamilya sa Regions I, II, at CAR ang matinding naapektuhan ng bagyong Marce sa mga rehiyon I, II, at CAR.
Mahigit sa 17,000 indibiduwal naman ang nasa evacuation centers—522 ang nasa Region 1; 15,631 sa Region II, at 866 sa CAR. (Daris Jose)
-
Pretty in Pink Power: “Mean Girls” Hits the Big Screen Again!
Catch the latest “Mean Girls” movie, a fresh take on the beloved classic. Starring Angourie Rice, Reneé Rapp, and more, this high school drama is set to captivate audiences from February 7 in Philippine cinemas. The iconic high school world of “Mean Girls” is back with a fabulous twist! In this latest adaptation, the film, […]
-
Kaabang-abang ang line-up ng 12th QCinema filmfest… ‘Phantosmia’ na pinagbibidahan ni JANINE, first time na mapapanood sa bansa
KAABANG-ABANG ang lineup sa ika-12 edisyon ng QCinema International Film Festival na may temang ” The Gaze” kung saan tampok ang 77 pelikula na kinabibilangan ng 22 shorts at 55 full-length features sa iba’t-ibang kategorya. Sa kauna-unahang pagkakataon, apat na short films na produkto ng Directors’ Factory Philippines, isang omnibus film project na […]
-
Ando pasok sa Olympics
Idagdag na ang pangalan ni national weightlifter Elreen Ando sa naunang 10 Pinoy qualifiers para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Ito ay matapos siyang makapasa sa International Weightlifting Federation (IWF) Absolute Continental Ranking for Asia para sa women’s -64 kilogram category ng 2021 Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto […]