State of calamity sa buong bansa, idineklara ni Duterte dahil sa ASF
- Published on May 13, 2021
- by @peoplesbalita
Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga.
“Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa South African Swine Fever outbreak. Nilagdaan kahapon ang Proclamation No. 1143,” ani Sec. Roque.
Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan maging ang local government units (LGUs) na makipagtulungan para matiyak na matutuldukan ang paglaganap ng ASF.
Pinatitiyak din ni Pangulong Duterte na maging sapat ang supply ng karne sa palengke at maging matatag ang presyo nito.
Kinakailangan ding ayudahan ang mga magbababoy para makarekober sa ASF. (Daris Jose)
-
Joo Won is ‘Carter’, A Man with no Memory, but has one Mission
THROWN into a mysterious operation, “Carter” must reclaim his identity and successfully complete his mission on time in this one-scene, one-cut action film. Watch the teaser below: About CARTER: Carter is an action film directed by Jung Byung-Gil (The Villainess, Confession of Murder) starring Joo Won. “Your […]
-
Nilunok ang pride para maka-survive sa Amerika: PACO, binalikan ang paghihirap sa pagiging kargador, kahero at tagalinis ng banyo
KINUWENTO ng Introvoys member na si Paco Arespacochaga ang naging buhay niya sa Amerika noong magdesisyon siyang iwan ang Pilipinas noong 2001. Sa programang ‘Magandang Buhay’ ay ni-reveal ni Paco na hindi natuloy ang dapat na pagtrabaho niya sa isang international record label dahil wala siyang mga legal documents. Dahil sa kahihiyan ay […]
-
SC Chief Justice Peralta, kinumpirma ang early retirement sa 2021
Nagpadala nang sulat si Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta sa kanyang mga kasamahang mahistrado para iparating ang kanyang early retirement o mas maagang pagreretiro. Batay sa mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyp Philippines, nakasaad daw sa sulat na maghahain ito ng early retirement sa Marso 27, 2021 o sa kanyang ika-69 na kaarawan. […]