• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

State of calamity sa COVID-19, palawigin – DOH

KAILANGANG mapalawig ang state of calamity sa COVID-19 para maipagpatuloy ang pandemic response sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hihingi sila ng extension ng state of calamity ng hindi bababa sa isa o dalawang buwan, kung hindi maisasabatas ang Center for Disease Control (CDC) bill bago matapos ang taon.

 

 

Gayunman, sakaling maisabatas na ang CDC bill, hindi na kailangan ang pagpapalawig sa state of calamity.

 

 

“Right now, the state of calamity is there simply because of these different considerations that we have like how we implement the emergency use authorization or EUA (for vaccines/medicines), how we launch our vaccination program for COVID-19, how we regulate the prices of commodities and goods during this time of the pandemic,”paliwanag niya.

 

 

Ang lahat aniya ng mga ito ay konektado sa state of calamity.

 

 

Una nang nagpahayag ang Private Hospital Association of the Philippines Inc. (PHAPI) na may pangangailangan na palawigin ang state of calamity kahit hanggang first quarter ng 2023.

 

 

Hanggang sa Disyembre 31, 2022 na lamang ang state of calamity ng COVID-19 pandemic nang palawigin ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (Daris Jose)

Other News
  • Pilipinas, nakatugon na sa requirement ng WHO hinggil sa bilang ng mga health workers na fully vaccinated na

    TINATAYANG 90% na ng mga health workers ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna.   Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr.na nakatugon na aniya ang pamahalaan sa itinatakda ng WHO na porsiyento ng mga medical workers na dapat nang nakatanggap ng bakuna.   May 93% na aniya ang fully vaccinated na nasa […]

  • AL passenger mula Pilipinas unang monkeypox case ng Hong Kong — airline

    KINUMPIRMA  ng Philippine Airlines na mayroong monkeypox ang isa sa kanilang mga pasahero, na siyang nagtungo sa Hong Kong at naging unang kaso roon.     Martes lang nang mai-record ang unang kaso ng monkeypox sa naturang Chinese territory, na siyang nakita sa isang 30-anyos na lalaking nagpakita ng sintomas habang naka-hotel quarantine.     […]

  • 2 FILIPINA NA BIKTIMA NG SURROGATE TRAFFICKING, NASABAT

    NAPIGIL ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Filipina sa tangkang surrogacy trafficking sa Georgia matapo nasabat s Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.       Ang dalawang biktima na di pinangalanan ay n-recruit noong November 27 sa pamagitan ng Facebook ng isang online recruiter.       Unaa silang nagpanggap na bibiyehe […]