• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Steph Curry kinilala bilang bahagi nang tinaguriang ‘elite club’

NAPABILANG na rin daw sa pambihirang elite players ng NBA ang Golden State Warriors MVP na si Stephen Curry matapos na masungkit ang panibagong korona sa NBA finals.

 

 

Batay sa NBA history si Curry ang ikaanim umano na player sa kasaysayan na nanalo ng apat na titulo o championships at humakot ng prestihiyosong most valuable player (MVPs) awards at kinilalang Finals MVP.

 

 

Sinasabing napabilang na raw si Curry sa pambihirang listahan ng mga great NBA players tulad nina Kareem Abdul-Jabbar, Michael Jordan, Bill Russell, LeBron James, Magic Johnson at Tim Duncan.

 

 

Maging ang Lakers legend na si Earvin Magic Johnson ay humanga rin sa narating ni Curry sa kanyang NBA career.

 

 

Nitong 2021-22 NBA season lamang ang Warriors superstar ay binasag ang all-time 3-point record ni Ray Allen, kinilalang MVP sa All-Star Game, gayundin sa Western Conference finals.

Other News
  • BAKUNA SA COVID-19 SA CAMANAVA, KASADO NA

    Tiniyak ng apat na alkalde ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) sa kani-kanilang nasasakupan na magkakaroon na ng bakuna para sa Covid-19 na magagamit sa kanila simula sa ikalawang quarter ng taon.   Ito’y, matapos sabihin nina Mayors Oscar Malapitan (Caloocan), Antolin Oreta III (Malabon), Toby Tiangco (Navotas) at Rex Gatchalian (Valenzuela) na gumawa […]

  • Pagpupugay ng mga kaibigan at nakasama ni FVR patuloy ang pagbuhos sa burol nito sa Heritage Park

    PATULOY pa rin ang pagdalaw ng mga malalapit na kaibigan sa burol ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park, Taguig City.     Nitong gabi ng Linggo ay nagbigay pugay ang ilang mga kaibigan na mula pa sa ibang probinsiya at ilang mga lider mula sa progresibong grupo.     Ilan sa mga […]

  • Pilipinas, pangatlo pa lang sa nakapag-uwi ng korona… ALEXANDRA MAE, first Pinay na waging ‘Miss Supermodel Worldwide’

    SA unang pagkakataon ay nagwagi ang Pilipinas sa Miss Supermodel Worldwide 2022 na ginanap sa India noong nakaraang October 15.   Si Alexandra Mae Rosales ang naging representative ng Pilipinas at kauna-unahang Filipina na manalo sa naturang pageant. Ang kanyang mga runners-up ay sina Kaylee Roxanne Porteges Zwart of Netherlands (1st runner-up); Nova Retalista of […]