Store owner arestado sa ilegal na refilling ng LPG
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang umano’y may-ari ng illegal liquefied petroleum gas (LPG) refilling station matapos maaresto sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Steven Joe Gervacio Lucas, 25, may-ari ng Marben Trading at residente ng Km 17, Mac Arthur Highway, Malanday.
Ani Col. Ortega, lumapit sa kanila ang complainant/representative ng Petron Corporation at Isla Petroleum & Gas Corporation na si Celestino Molina Foronda, 51, brand protection agent upang humingi ng tulong hinggil sa illegal refilling, marketing at distribution ng kanila- kanilang produkto ng Marben Trading
Kaagad inatasan ni Col. Ortega ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) na magsagawa ng entrapment operation kontra sa suspek sa kanyang tindahan sa Km 17, Mac Arthur Highway dakong alas-3:15 ng hapon.
Dalawang saksi na kinilalang si Joelito Villaseñor at Gilbert Soriano na umaktong poseur- buyer ang bumili sa suspek ng tig-isang 11 kilogram LPG Petron Gasul tank na nagkakahalaga ng P730.00 at Solane gas tank na nagkakahalaga ng P750.00.
Matapos tanggapin ng suspek ang marked money, agad nagbigay ng signal ang dalawang saksi kaya’t kaagad na lumapit ang mga operatiba at nagpakilalang mga pulis saka inaresto si Lucas.
Narekober sa suspek ang marked money at ang ilang piraso ng LPG tanks na may mga pekeng gas seal na nakuha sa kanyang tindahan. (Richard Mesa)
-
Skyway 3 mananatiling bukas
Matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng San Miguel Corp. (SMC) at Toll Regulatory Board (TRB) dahil sa di umano ay isang pahayag ng huli na magkakaron ng walang katapusang pagsasara ang Skyway 3. Subalit sa isang inilabas na opisyal na pahayag noong March 16 ng TRB ang sinasabing walang katapusang pagsasara ng […]
-
Bakunahan sa edad 5-11, inatras sa Pebrero 7
INIURONG ng Department of Health (DOH) ang petsa ng bakunahan para sa batang nasa 5-11 age group dahil sa logistical issue. “The roll out for vaccinating children aged 5-11 years old will be postponed for a few days due to logistical challenges,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Sa halip […]
-
Face mask kontra-COVID need pa rin sa labas
IDINIIN ng Malacañang na obligado pa rin ang lahat na magsuot ng face masks laban sa COVID-19, ito kahit na ginawa na lang itong “optional” para sa outdoor areas ng provincial government ng Cebu. Kaugnay pa rin ito ng Executive Order 16 na inilabas ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, kung saan hindi na […]