• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Student financial aid, sapat lang para sa 20% ng 2 milyong aplikante

SINABI ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi lahat ng mga estudyante na lumagda sa educational assistance program ay makatatanggap ng cash aid.

 

 

Ayon kay  DSWD spokesperson Romel Lopez, ang aplikasyon para sa programa ay umabot na sa dalawang milyon subalit 20% lamang ng dalawang milyon o 400,000 estudyante ang masasakop ng₱1.5-billion budget .

 

 

“‘Wag naman po ikasasama ng loob ng ating mga kababayan kung sila man po ay hindi maaabot ng ating programa,” ayon kay Lopez.

 

 

Aniya pa, ang aplikasyon para sa  aid program ay sasalain sa pamamagitan ng  mahigpit na  assessment sa mga dokumento na isasagawa ng mga social workers.

 

 

Tanging ang mga aplikante na mapatutunayan na mahirap at nahaharap sa matinding krisis ay tatanggapin at makapapasa bilang benepisaryo.

 

 

Sa ngayon, sinabi ni Lopez  na  nakapagpalabas na ang DSWD ng ₱649 milyong piso para sa 257,285 estudyante.

 

 

Ang programang ito ay tatakbo ng hanggang Setyembre 24.

 

 

“Mga almost ₱900 million pa po ang pondong nalalabi at naniniwala po tayong sapat po ito hanggang sa last payout natin sa Sept. 24,” ang wika ni Lopez.

 

 

Samantala, kaagad namang magpapatuloy ang payout sa mga lugar na apektado ng Tropical Depression Gardo at Typhoon Henry sa oras na naisaayos na ang mga field offices.

 

 

Ang mga  off-site assistance payout ay nagsimula sa lalawigan ng  Iloilo, Rizal, at Aurora, ang mga estudyante sa mga nasabing lalawigan ay walang access sa  internet.

Other News
  • Nangunguna pa rin sa local TV show noong Agosto: ‘KMJS’ ni JESSICA, nakakuha ng finalist spot sa 2023 Asia Contents Awards

    HIGIT pa sa pangingibabaw sa on-air at online, ang multi-platform leader at multi-awarded GMA Public Affairs show na ‘Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)’ ay patuloy na itinataas ang bandila ng Pilipinas, dahil nakakuha ito ng finalist spot sa 2023 Asia Contents Awards (ACA) at Global OTT Awards.      Karagdagan ito sa mahabang listahan ng […]

  • Kaligtasan muna, ayon sa mga pyro manufacturer dealers

    UPANG  mapanatiling sariwa sa kaisipan ng mga stakeholder ang safety practices sa paggawa, pagbebenta, pamamahagi at tamang paggamit ng mga produktong paputok, nagsagawa ng seminar ang Philippine Pyrotechnics Manufacturer Dealers Association Inc. kasama ang Philippine National Police Civil Security Group-Firearms and Explosive Office sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan.     Kailangan […]

  • Tulad nang naranasan ni Ruru sa ‘Black Rider’: KATRINA, naaksidente habang kinukunan ang maaksyong eksena

    NAAKSIDENTE pala si Katrina Halili habang kinukunan ang isang maaksyon na eksena sa action-serye na ‘Black Rider’ ng GMA Public Affairs.     On Instagram, sinabi ng Kapuso actress na naka-recover na siya mula sa aksidente at nakapag-taping na siya ulit.     “Recovered from a mishap from Black Rider shoot, game na ulit si […]