• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Substitute bill para sa pagkakaroon ng Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART), aprub

INAPRUBAHAN ng House Committee on Health ang consolidated substitute bill sa ilang panukalang batas na nagsusulong para ma-institutionalize ang medical reserve corps.

 

 

Bubuuin ng panukalang batas ang Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team o HEART sa ilalim ng Department of Health (DOH) kung saan magiging bahagi ng tungkulin nito ang pagbuo ng mga polisiya, plano, guidelines, at implementasyon ng kaukulang aksyon para sa mobilisasyon, serbisyo at proteksyon kapag may public health emergencies.

 

 

Dadagdagan ng HEART ang health workforce sa panahon ng public health emergencies at panganib.

 

 

Bukod dito, inaprubahan din ng komite ang consolidated bill ng panukalang nagsusulong sa pagkakaroon ng Overseas Filipino Workers Hospital. Nakapaloob ito sa House Bill 479 na inihain ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo; HB 1275 ni Camarines Sur Luis Raymond Villafuerte Jr., HB 1642 ni Pangasinan Rep. Marlyn Pimicias Agabas; HB 2058 ni La Union Rep. Francisco Paolo Ortega; HB 4123 ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo; HB 4195 ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez; HB 5114 ni Benguet Rep. Eric Go-Yap; HB 5928 ni Tarlac Rep. Christian Tell Yap; at HB 6111 ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr.

 

 

Inihayag ni Gato na may naitayo ng OFW hospital sa Clark, Pampanga bilang pagkilala sa naging kontribusyon ng mga OFWs sa eonomiya ng bansa. (Ara Romero)

Other News
  • Kahit may Master’s Degree na in Management: RONNIE, tuluy-tuloy lang ang pag-aaral para makakuha ng PhD

    PINAKITA ni Beauty Gonzalez ang mga alahas na ipapamana niya sa kanyang anak na si Olivia balang-araw.     Isa nga rito ay ang Pangaw beads na galing pa sa Mountain Province.     Ayon sa Museo Kordilyera’s website, ang Pangaw beads ay gawa sa “glass beads encased in gold. Numerous beads strung together and […]

  • Travel restriction sa Chinese travelers, ipatupad na

    NANANAWAGAN  ang isang health expert na magpatupad na ng mas mahigpit na travel restriction ang gobyerno sa mga biyahero na mula sa China para makatiyak na hindi kakalat sa Pilipinas ang panibagong wave ng impeksyon ng COVID-19.     “We need to ask the Chinese visitors to submit RT-PCR test 48 hours prior to the […]

  • “Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Polio, Rubella, at Tigdas!” Inilunsad sa Valenzuela

    “Chikiting Ligtas sa Dagdag Bakuna Kontra Polio, Rubella, at Tigdas!” Inilunsad sa Valenzuela BILANG bahagi ng misyon ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na magbigay ng malusog na pangangatawan at pamumuhay ang mga Pamilyang Valenzuelano, inilunsad nito sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, ng City Health Office, at ng Barangay Canumay West ang kampanyang “Chikiting Ligtas […]