• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Successful and first back-to-back Canada tour… Supporters ng Sparkle loveteams, ‘di binigo dahil sa all-out performances

HUGE success ang first back-to-back Canada tour ng Sparkle artists noong nakaraang April 5 and 7.
Pinakita ng Global Pinoys ang kanilang mainit at umaapaw na pagmamahal at suporta sa Sparkle’s best na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza at David Licauco, at Bianca Umali at Ruru Madrid.
Matapos ang successful first leg nila sa Calgary, mga Global Pinoy naman sa Toronto ang sunod na pinasaya ng Sparkle’s best kasama ang resident Kapuso entertainer na si Boobay para sa last leg ng #SparkleGoesToCanada.
Sa mga na-upload na photos at videos sa iba’t ibang social media platforms, makikita kung gaano kainit ang naging pagtanggap sa mga Sparkle loveteams na JulieVer (Julie Anne and Rayver), BarDa (Barbie and David) at RuCa (Ruru at Bianca).
Hindi nga nabigo ang supporters nila dahil all-out ang naging performance ng tatlong loveteams para sa lahat ng mga nanood sa kanila.
Tuwang-tuwa ang ating mga Kapuso sa Canada sa energy-filled performance nila Julie at Rayver. Mapa-fast dance number or sweet duet, naihatid ng JulieVer ang hiling ng kanilang fans.
Astig ang production number ni Black Rider star Ruru at nagsanib ang prod number nila ng bida ng Encantadia Chronicles: Sang’gre na si Bianca na nagpakilig sa mga RuCa fans.
Kung super-bubbly ang performance ni-Barbie, medyo seryoso naman sa kanyang song number ang Pulang Araw co-star niyang si David. Pero kinilig ang BarDa fans nang mag-duet na ang dalawa onstage.
Nagkaroon din ng Trip to Jerusalem game ang tatlong loveteams kasama ang ilang members ng audience.
Bago matapos ang gabi, nag-final duet ang JulieVer, BarDa at RuCa para sa Global Pinoys.
Full support naman ang director nilang si Mr. Johhny Manahan o Mr. Mna siyang gumabay sa mga Sparkle artists sa back-to-back shows nila sa Canada.
Kasama rin nila sa tour bilang support sina GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez at Sparkle Vice President Ms. Joy Marcelo. Sila rin ang nanguna sa prayer para sa success ng kanilang tour.

 

(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Pfizer COVID-19 vaccine ligtas ng gamitin sa mga batang edad 5-11

    Inanunsiyo ng Pfizer na ligtas na gamitin ang kanilang COVID-19 vaccine sa mga edad 5 hangang 11.     Ito ay base aniya sa isinagawang medical trial ng kumpanya.     Ang trial ay kinabibilangan ng 2,268 na mga may edad 5-11 na gumamit ng dalawang dose regimen ng bakuna na itinurok na may 21 […]

  • Giit ni Sec. Roque: hindi lahat ng pulis ay bugok

    HINDI lahat ng pulis sa bansa ay “bugok”.   Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na maging viral online ang video na nagpapakita na may isang babae ang binaril ng pulis na ikinamatay nito.   Para kay Sec. Roque, nananatiling professional organization ang Philippine National Police (PNP).   Aniya pa, ang […]

  • Saso may ₱178K grasya sa pagpuwestong ika-50

    MALAMYA ang pangatlo at pinaleng round ni Yuka Saso nang tumira lang two-over par 74 para sa 218 aggregate para humanay sa triple-tie sa ika-50 posisyon na may ¥400K (₱178K) bwat sa pagrolyo ng 12th T point x Eneos golf tournament sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, Japan nitong Linggo, Marso 21.   […]