• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Successful ang direktor dahil talagang nakatatakot: JULIA, mahusay ang acting sa first horror film ni Direk BRILLANTE

PANGUNGUNAHAN ng aktor ng FPJ’s Ang Probinsiyano na si John Arcilla ang mga honorees ng 6th Film Ambassadors’ Night’ ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

 

Magaganap ito sa February 27 sa newly renovated Metropolitan Theater (MET).

 

 

Ayon kay FDCP Chairman & CEO Liza Diño- Seguerra, strictly invitational ito para sa mga honorees dahil sa health protocols.

 

 

Mahigit 70 plus honorees ang pararangal this year.  Maliban kay John who won the Volpi Cup at the 78th Venice International Film Festival para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang ‘On The Job: The Missing 8.’

 

 

Kabilang din dito ang mga pelikulang ‘Whether The Weather Is Fine (Kun Maupay It Panahon’ ni direk Carlo Francisco Manatad at ‘Gensan Punch’ ni Brillante Mendoza.

 

 

Kasama rin sa A-list citation ang mga pelikulang ‘Big Night’ ni Jun Robles Lana, ‘On The Job: The Missing 8’ ni Erik Matti, ‘Ramdom People’ ni Arden Rod Condez, ‘Ariska’ ni Mikhael Red, ‘Playback’ ni Brillante Mendoza at marami pang iba.

 

 

Kabilang din ang mga aktor na nagwagi sa ilang international film festivals tulad ni Elijah Canlas (‘Kalel, 15’), Kit Thompson (‘Belle Douleur’), Janine Gutierrez (‘Dito at Doon’), Snooky Serna (‘In The Name of the Mother’) at iba pa.

 

 

Ilang directors din ang pararangalan. Kabilang sa kanila ay sina Carlo Ortega Cuevas (‘Guerrero Dos, Tuloy Ang Laban’), Carlo Francisco Manatad (‘Kun Maupay Man It Panahon’), Maria Dianne Ventura (‘Your Color’) at Mcarthur Cruz Alejandre (‘Tagpuan’).

 

 

Bibigyan naman ng special citation ang Kapamilya star at host ng ‘It’s Showtime’ na si Vice Ganda.

 

 

Sabi Chair Liza, “dapat patuloy na maging competitive sa mundo ang pelikulang Pinoy. Pagdating sa talent ay hindi naman pahuhuli tayong mga Pinoy pero we need to expand and widen our reach because there is an audience out there whom we can tap and introduce our films.

 

 

“Dito natin kailangan ang tulong ng gobyerno. Hindi naman lalaki ang Korean film industry at maabot what it has achieved now if not for the support coming from the government. At ito ang kailangan nating ma-achieve to cope with the demands of the world market,” pahayag pa ni Chair Liza.

 

 

Kailangan din ng film industry ng budget na malaki para makagawa ng de-kalidad na pelikula that can compare with the rest of the world.

 

 

***

 

 

ISANG kakaibang horror film ang handog ni Direk Brillante Mendoza via the latest Vivamax offering titled Bahay na Pula.

 

 

Tampok sa pelikula sina Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao.

 

 

Mag-asawa sina Julia at Xian samantalang ex-bf ni Julia sa Marco. Umuwi ng kanilang probinsiya sina Julia at Xian para asikasuhin ang pagbenta ng ancestral houseninba Julia. While working on their papers, na-meet muli ni Julia si Marco na single pa rin.

 

 

May halong sense of history ang kwento ng Bahay na Pula dahil may nakatago palang lihim sa bahay na ito. Unang gabi pa lang nina Julia sa bahay ay may kakaiba na siyang nararamdaman sa bahay. Kung anu-ano rin ang panaginip niya.

 

 

Maganda ang script na isinulat ni Troy Espiritu. Tinalakay sa script ang sinapit ng mga comfort women noong Japanese time dito sa Pilipinas.

 

 

If you don’t correct what happened in the past, it will affect haunt your future. May lihim na kwento ang bahay na pula at apektado rito ang karakter na ginagampanan ni Julia, pati ang mga taong may kaugnayan sa kanya.

 

 

Mahusay ang acting ni Julia, na first time na naidirek ng Cannes best director awardee.

 

 

Mahusay ang cinematography, editing at musical score na nakatulong nang husto para lumabas ang element ng horror sa movie.

 

 

First horror film ito ni Direk Brillante and successful naman siya in making a scary film.

 

 

***

 

 

NAGDADALAMHATI ang pamilya ng award-winning director na si Eduardo Roy, Jr.

 

 

Yumao na ang award-winning director noong February 21 sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

 

 

He died of massive pulmonary embolism due to hospital acquired pneumonia.

 

 

Last year ay na-diagnose si direk Edong with Burkitt’s Lymphoma stage IV.

 

 

In a forwarded message via FB messenger which was shared to us, “Edong was a beloved son, brother and friend who’s also known as the writer and director of award-winning films such as Bahay Bata, Quick Change, Pamilya Ordinaryo, Lola Igna and Fuccbois.

 

 

“A wake will be held on February 24 to 26 at the Arlington Memorial Chapels Hall A in G. Araneta Avenue, Quezon City.

 

 

Ipagpadasal po natin ang kaluluwa ng Direk Edong at ang kanyang pamilya. Nakikiramay po kami.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Award-Winning ‘Blue Room’ premiered at 14th SOHO Filmfest, officially selected at 19th LA Femme Filmfest

    SOHO International Film Festival in New York, founded by Justin Girard with Festival Director Sibyl Santiago was held this past week Sept. 14 – 21.     The Philippine entry, ‘Blue Room’ by Ma-an Asuncion-Dagñalan, had its North American / US Premiere last Sept. 20 as its Closing Film, attended by one of its lead […]

  • NEW CHRISTMAS VIDEO FROM DISNEY UK HITS CLOSE TO HOME

    THE video marks Disney’s partnership with the charity Make-A-Wish.   We’re still a bit over a month away from Christmas, but Disney UK has already made us feel all warm and nostalgic with their new Christmas advertisement! Released just today, the 3-minute video has quite a number of elements that will feel very familiar to […]

  • Tiniyak ng DBM, pag-aaral sa posibleng umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno, matatapos sa unang bahagi ng 2024

    TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na matatapos sa unang bahagi ng taon ang “comprehensive study” ukol sa potensiyal na salary adjustment para sa mga manggagawa sa gobyerno.     Sinabi ni Budget Secretary Mina Pangandamanan, layon ng Inisyatiba ang tiyakin ang “competitive at equitable compensation package” para sa mga government workers.   […]