• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUE, umamin na uncompatible ang signs nila ni XAVI pero nagawang mag-work; maraming makaka-relate sa ‘Boyfriend No. 13’

MARAMI pa rin ang makaka-relate sa bagong series na, Boyfriend No. 13, a WeTV original, line produced ng APT Productions at sa direksyon ni John “Sweet” Lapus.

 

 

     Kahit na into online, social media ang mga Pinoy ngayon, marami pa rin talaga ang naniniwala sa mga stars, horoscope at zodiac sign. At ganito nga ang tema ng Boyfriend No. 13 na pinagbibidahan nina JC Santos, JC de Vera at Sue Ramirez. 

 

 

Sabi nga ni Sue, “Ako, palagi akong tumitingin sa zodiac sign. Tinitingnan ko kung compatible ba itong guy na ito for me.  Pero sabihin ko, ang boyfriend ko is Libra.”

 

 

Ang boyfriend ni Sue ay si Javi Benitez at si Sue naman ay Cancer at hindi raw compatible ang mga zodiac signs nila.

 

 

Pero sey niya rin, “Libra is one of the most uncompatible signs with Cancer, but it’s how you make it works.

 

 

“Siguro you check your zodiac signs for some guidance and how you are going to handle the different problems that you can face because nga sa different niyo ng zodiac.

 

 

So, you’re prepared, ‘di ba? Alam mo na ang haharapin mo. So for me, nakakatulong siya.”

 

 

At true to her character nga sa series bilang si Kimverly, e, talaga nga palang tsine-check niya nga ang kanyang kapalaran through the stars and horoscope.

 

 

Kaya naitanong din namin dito kung nakikita at ready na rin ba siya na ang destiny pala niya ay maging First Lady ng Victorias City, Negros Occidental?

 

 

“Wala pa pong filing, e, hindi pa po tayo sure, Ha ha ha!,” sabi naman niya tungkol sa diumano’y planong pasukin ng boyfriend ang pulitika.

 

 

Eh, ‘yung nakikita niyang si Javi na nga ang naka-tadhana sa kanya?

 

 

    “At this point, it’s not something I’m focused on. Very busy ako sa work. Ang dami kong blessing na dumarating, one after another.  Also for Javi, so much is happening for him so I think, the focus is not on that aspect.”

 

 

Ang Boyfriend No. 13 ay magpi-premiere na sa WeTV simula ngayong July 2.

 

 

***

 

 

PAREHO pa rin daw para kay Sanya Lopez or hindi niya masyadong binibigyan ng pansin ang popularity na meron siya ngayon dahil sa First Yaya, that cannot be denied.

 

 

Ang daming nagkagusto ng serye kaya nga ito ang number one serye ngayon at instantly rin, ang dami niyang naging fan bilang si Yaya Melody. Bukod pa sa sobrang naging patok ang team-up nil ani Gabby Concepcion.

 

 

Personally, may kilala rin kami na dating normal lang na nanonood ng mga serye, pero sa First Yaya, hindi ito maiistorbo at hindi sasabay sa pagkain ng dinner nila sa bahay hangga’t hindi pa tapos itonh umere.

 

 

Nadoble nga raw ang kasikatan niya ngayon.

 

 

    “Hindi ko po alam, kasi hindi ko po maisip na gano’n pa rin po. Usually po, nakikita ko lang po sa mga feedback ng mga tao or sa social media.

 

 

    “Yun naman po kasi, hindi lang po sa akin kung hindi sa buong cast at sa magagaling na writers at directors ng First Yaya. So hanggang ngayon naman po, gano’n pa rin po, wala po akong ibang maisip kung hindi thankful po ako na naging part po ako ng First Yaya.”

 

 

Sabi pa ni Sanya, kung may nabago man daw sa kanya, ‘yung perspective niya sa mga kasambahay na mas lumalim ito.

 

 

***

 

 

KAHIT na ilang beses na nagkasama at nagtambal sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, ang The World Between Us ang unang full-length serye nila talaga at romantic-drama talaga ang tema.

 

 

Since aminado naman na inspired by Korean drama Start-Up at classic story na Wuthering Heights.

 

 

Hindi rin lingid sa lahat kung gaano ka-against pa rin ang ilan sa mga AlDub fans kapag may naipaparehang iba kay Alden. Kaya tinanong nga namin ito kung ngayon, mas kumportable na siya at ‘di na iniisip kung ano man ang magiging reaction ng mga fans.

 

 

     “When it comes to that, I’ve learned to make decisions for myself. Kung makikinig lang ako sa sasabihin ng iba coming from other experiences, hindi ako maggu-grow as an actor, the same goes with Jasmine,” sey ni Alden.

 

 

Kung makikinig lang daw siya sa mga tao na magda-down or hindi susuportahan ang gagawin nila.

 

 

    “Hindi po kami maggu-grow if makikinig lang kami sa magsasabing ayaw ng ganito, ayaw ganyan. We don’t function like that as an actor, we’re not robot. We’re learning machine. We like to experience and explore different platforms.”

 

 

     At naniniwala naman si Alden na tanggap ng mga totoong fans o supporters niya ang ano mang proyektong ginagawa niya at kung sino man ang kapareha niya.

 

 

“I think po, matured na rin po ang mga fans at supporters natin with regards to that matter.  ‘Yung totoong supporters ko po talaga, masaya po sila sa mga nagagawa kong proyekto. No room for hate with the people that I work with.  Actually, ang sinasabi lang po talaga nila, kung ano man po ‘yung gagawin ko, nandoon lang po sila to support. 

 

 

     “So, nagpapasalamat po talaga ako na ‘yung mga true supporters ko po is really there for me and support me for whatever work or projects that I’m in po.”

 

 

Napaka-promising naman ng trailer pa lang ng The World Between Us na magsisimula ng mapanood sa July 5, pagkatapos ng 24 Oras at para kay Alden nga, maituturing daw niyang pinaka-best teleseryeng ginawa niya.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Pinas, Vietnam coast guards magtatatag ng hotline para sa maritime cooperation

    KAPWA tinintahan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Vietnam Coast Guard (VCG) ang isang kasunduan ukol sa pagtatatag ng “hotline” para palakasin ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang maritime security groups.     Nilagdaan ang memorandum of understanding (MOU) sa isinagawang state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vietnam kasama sina PCG Chief, […]

  • South Korea planong payagan ang mga COVID-19 positive na bumoto sa halalan

    NAGHAHANAP  na ng paraan ang parliamento sa South Korea para payagan ang mga mamamayan nila na nagpositibo sa COVID-19 na makaboto.     Isasagawa kasi ang presidential election sa nasabing bansa sa Marso 9.     Kasabay ng nasabing halalan ay nahaharap sa hamon ang kanilang gobyerno dahil sa paglobo ng kaso ng Omicron coronavirus […]

  • Rodriguez: Tigilan na ang panggugulo

    UMAPELA  ang chief of staff at spokesman ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na si Atty. Vic Rodriguez sa mga petitioner ng disqualification case na tigilan na ang kanilang walang humpay na panggugulo at pagpupunla ng galit at pagkakawatak-watak na siyang lalong magpapagulo ng sitwasyon sa halip na makausad na ang bansa patungo sa […]