• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suhestiyon sa mga gustong bumisita sa sementeryo sa Undas

IKUKUNSIDERA ng pamahalaan ang lahat ng alternatibong opsyon para sa mga Pinoy na nagnanais na  makabisita at madalaw ang mga namayapa nilang mahal sa buhay sa All Soul’s Day  sa kabila pa rin ng banta  COVID-19 pandemic.

 

Ang suhestiyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque  ay 5-day time allowance para sa publiko  na makabisita sa sementeryo sa “Undas,” taunang tradisyon ng milyong mga filipino  na binibisita ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

 

May ilan kasing lokal na pamahalaan  kabilang na ang Maynila, Marikina City at Angeles City,  ang nag-anunsyo ng temporary closures ng public at private cemetery sa kani-kanilang lokalidad sa darating na  Oktubre 31hanggang  Nobyembre 3.

 

“Titingnan po natin kung mayroong mga alternatibo dahil naniniwala naman po ako na importante sa mga Pilipino ang Undas,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sinabi naman ni COVID-19 policy chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na irerekumenda niya ang pansamantalang pagsasara sa   llahat ng sementeryo  sa All Souls’ Day bilang precautionary measure laban sa pagkalat ng virus.

 

“Malaki po ang problema kung magkakaroon po ng uncontrolled crowding ‘yung ating cemeteries,”  ayon kay Galvez.

 

Irerekumenda naman  ng National Task Force against COVID-19 na pagbawalan ang publiko na magpunta sa mga sementeryo sa darating na Undas bunsod ng banta ng COVID-19 pandemic.

 

Sinabi  naman ni deputy chief implementer of the national policy against COVID-19 and testing czar Vince Dizon na wala pang pinal na desisyon dahil tinatalakay pa ito ng mga concerned agencies.

 

Ayon kay Dizon, pinag-uusapan pa ang magiging guidelines kung isasarado ba ang sementeryo pagdating ng Undas.

 

Ginawa ni Dizon ang pahayag matapos na sabihin ni Manila City Mayor Isko Moreno na isasarado ang mga pampubliko at pribadong sementeryo mula October 31 hanggang November 3.

 

Sa ganitong paraan aniya ay mas maiiwasan ang coronavirus transmission.

 

Samantala, sinabi ni Dizon na nirerespeto at hinahangaan ng NTF ang desisyon ni Mayor Isko para sa siyudad ng Maynila.

 

Sinabi kasi ni  Manila Mayor Isko Moreno Domagoso  na pansamantala niyang isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod sa darating na Undas.

 

Batay sa Executive Order No. 38, simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 ay pansamantalang ipasasara ang mga sementeryo sa lungsod ng Maynila upang maiwasan ang paglago at pagkakahawaan ng COVID-19.

 

Nananatili namang ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings sa lahat ng iba’t ibang lebel ng  community quarantine  dahil sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Pedicab driver todas sa motor sa Navotas

    NASAWI ang isang pedicab driver matapos aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kahabaan ng Road-10 sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Dead on arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Dennis Pagulayan, 39 ng R-10, Brgy., NBBN Proper.     […]

  • Pagsa-surfing ni YASSI, malaking tulong para mabalanse ang kanyang mental health

    DALAWANG taon ding hindi gumawa ng teleserye si Lauren Young dahil naging malaking issue sa kanya noon ay ang kanyang katawan.   Sa dalawang huling teleserye ni Lauren sa GMA na Hiram Na Anak at Contessa, kapansin-pansin ang paglaki ng katawan niya at nagdala raw iyon ng malaking insecurity sa kanya.   Pero ngayon ay […]

  • Devin Booker, out na sa training camp ng Phoenix Suns dahil sa ‘health at safety protocols’ ng NBA

    Kinumpirma ng reigning Western Conference champion Phoenix Suns na ang kanilang top player na si Devin Booker ay hindi muna makakasama ngayong linggo sa pagsisimula sa training camp dahil sa health at safety protocols ng NBA.     Kung maalala ang 24-anyos na si Booker ay naging malaki ang papel upang pangunahan ang Suns sa […]