• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suhestiyong extension ng MRT-LRT ops, huwag agad ibasura

UMAPELA ang Akbayan Partylist sa Department of Transportation (DOTr) na pagisipan muli ang desisyon nitong ibasura ang suhestiyon na palawigin ang operating hours ng mga rail systems—LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

 

 

Hinikayat pa ng partylist ang ahensiya na makipagdayalogo sa mga commuters at sagutin ang kanilang hinaing.

 

“Makinig at makisimpatiya naman ang DOTr sa ating mga commuters imbes na agarang magsara ng pinto sa panukalang i-extend ang MRT-LRT operations,” ani Akbayan Representative Perci Cendaña.

 

 

ayon sa mambabatas, araw araw ay kumakaharap sa paghihirap anfg mga commuters, lalo na yaong mga BPO workers at night-shift employees.

 

 

Ang pagpapatupad ng isa o dalawang oras na extension ay makakatulong ng malaki sa mga manggagawa lalo na sa pagbibigay ng ligtas, episyente at maasahang transportation options matapos ang mahabang oras ng trabaho.

 

Hinikayat pa nito ang DOTr na magpatawag ng isang comprehensive dialogue sa mga stakeholders upang talakayin ang posibleng options sa extension ng operating hours aat iba pang reporma.

 

 

 

“Sana bago ishoot down ang proposal kausapin muna ang lahat ng stakeholders para mapagusapan anong mga possible options sa pagextend ng MRT-LRT operating hours. Halimbawa, pwede namang iextend pa rin ang operations pero tuwing MWF lang or kung anong days of the week mataas ang ridership. Maraming options. Kung gusto may paraan. Kung ayaw may dahilan,” dagdag nito. (Vina de Guzman)

Other News
  • Iba’t ibang pigura ng mga nasawi at nawawala, naitala dahil sa bagyo… Bagsik ni Ulysess

    NAKAPAGTALA ang NDRRMC ng 69 (as of Nov. 16 death toll) na kataong namatay bilang  resulta ng  pananalasa ng bagyong  Ulysses.   Bitbit ng bagyong Ulysses ang malakas na hangin at matinding buhos ng ulan na siya namang nagpaalala sa maraming residente ng  Luzon ng  2009’s Tropical Storm Ondoy.   Sa isang press briefing, nagbigay […]

  • Ads June 26, 2020

  • Certificate of Eligibility for Lot Allocation, iginawad ng Malabon LGU sa 147 Malabueño

    IGINAWAD ni Mayor Jeannie Sandoval at ng Malabon City Housing and Urban Developing Department (CHUDD) ang Certificates of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa 147 Malabueño beneficiaries na mga sertipikadong nangungupahan ng mga lupain kung saan nakatayo ang kanilang mga tahanan.     Ang CELA awarding ceremony na ginanap sa Penthouse ng Malabon City Hall […]