Sulyap sa sprinter na si Isaac M. Gomez
- Published on July 9, 2021
- by @peoplesbalita
IPINANGANAK noong Hunyo 3, 1934 sa Santo Domingo, Pampanga si 1960 Rome Summer Olympic Games veteran sprinter Isaac M. Gomez.
Kumaripas ang 5-foot-5 Kapampangan sprint runner sa nasabing quadrennial sports festival sa men’s 100-meter sprint at 4x100m relay.
Tumapos siyang panlima sa heat two sa 11.19 seconds at nirendahan ang Philippine team na pumang-apat sa heat 2 din sa clocking na 41.4 seconds.
Maski hindi pumalaot sa next round sa dalawang event, isang matinik na mananakbo pa rin sa short distance sa dekada 50-60 si Gomez sa pagpapasiklab Asia.
Sumungkit siya ng bronze medal o nag-third place sa 1958 Tokyo Asian Games sa 11.1 na oras at dalawang ulit tinrangkuhan ang PH relay squad na humagip ng gold medal o nangibabaw sa naturan ding tuwing ikaapat na taong palaro.
Pagkapanalasa sa Tokyo, naipagtanggol pa ng Pinoy quartet squat ang relay gold sa 1962 Jakarta Asiad sa pangunguna na rin niya.
Ito po ang tinalakay ng Opensa Depensa lalo’t Olympic year o month ang buwang ito palapit na ang inatrasado ng pandemya na 32nd Summer Games 2020 sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23-Agosto 8.
Hanggang bukas po uli mga mambabasa ng People’s BALITA at ng pitak na ito.
-
“SCREAM” RATED R-16 WITHOUT CUTS, HOLDS SNEAKS ON FEB 1st
MANILA, January 25, 2022 — Paramount Pictures has just announced that its US No.1 box-office hit Scream will hold special sneak previews in selected cinemas nationwide on Tuesday, February 1st. Horror fans are advised to check with their favorite theaters for the screening hours and ticket prices. [Watch the sneaks announcement video at https://youtu.be/rnUeWdf3T6I] […]
-
MISTER PINALO NG KAHOY SA DIBDIB, DEDO
Nasawi ang isang 51-anyos na lalaki matapos hatawin ng kahoy sa dibdib ng isang 21-anyos na binata makaraan ang pagtatalo sa Valenzuela city. Dead-on-arrival sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktima na kinilalang si Romeo Almeria, 51 ng Blk 2 Lot 22 Phase 2A, Brgy. Bignay. Kasalukuyan namang nakapiit habang nahaharap […]
-
Ads May 25, 2024