• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sumagot ang cast sa ‘ultimate fan reactions’: ‘My Plantito’, higit 54 million views kaya may hirit na Season 2 sina KYCH

ILANG araw makalipas ang pagtatapos ng popular na serye sa Tiktok na My Plantito, damang-dama pa ng fans ang pagkasabik mula sa emosyonal na tila rollercoaster na pag-iibigan nina Charlie at Miko.

 

 

Wala ngang duda, nakuha ng palabas ang atensyon ng mga manonood hindi lamang dahil sa nakatutuwang kuwentong boy-love, pati na rin sa mga plot twist na naglatag ng mga temang malapit sa mga Pilipino, gaya ng pamilya, pakikipagkaibigan, at makabuluhang aral sa buhay.

 

 

Tampok sa My Plantito ang istorya ng nangangarap na content creator na si Charlie (Kych Minemoto), at ang kaniyang gwapong kapitbahay, ang negosyante at plantitong si Miko (Michael Ver). Sa gitna ng mga nakakaintrigang pangyayari, maling desisyon, at kilig moments, nakuha rin ng mga tagasubaybay ang pinakahihintay nilang sagot mula umpisa: makakamit ba nina Charlie at Miko ang kanilang happy ending?

 

 

Sa kabuoan, nakalikom ang mga episode ng My Plantito ng nakabibilib na 54.2 milyong view sa Tiktok at YouTube ng Puregold Channel.

 

 

Sa pagtatapos ng My Plantito, abot-kamay ng fans ang magandang pagtatapos sa isang makabuluhang naratibo. Narito ang ilang komento mula sa kanila, at ang reaksyon ng mga miyembro ng cast sa mga ito.

 

 

Ang Kontrobersyal na Payo ni Bianca

 

 

Isang tauhan na nagpainit ng mga tagpo sa My Plantito at umani ng mga komento mula sa Tiktok at YouTube ay si Bianca (Devi Descartin), ang best friend ni Charlie. May ilang mga nagalit sa kaniya, at sinisi siya dahil higit sa isang beses niyang dinala si Charlie sa maling direksyon. Narito ang ilang mga nasabi ng fans:

 

 

“Ah, Bianca! Wrong again. And again. And again. Please send her to Botswana and have her bring back some exotic plants . . . two years from now.” – @gnirolnamlerf593

 

 

“Only a friend like ‘Bianca’ is enough to destroy your peace of mind and to get delusional thoughts.” – @user-um7to8rj6o

 

 

Sa kabilang banda, hindi naman pag-cancel ang mabilis na solusyon para sa ibang tagasubaybay. Natuwa ang ilang mga fan sa kompleksidad ng kaniyang karakter:

 

 

“Bianca, she is a toxic friend but at the same time a caring soul.” – @Joe.Ortega

 

 

“I don’t know that girl; but for me, she isn’t toxic. She’s just being real. She’s telling the truth that her best friend should prioritize work. Goals first.” – @joeverclarion7813

 

 

Binigyang-linaw ni Devi, ang intensyon ng kaniyang character at sinabing, “As Charlie’s best friend, gusto kong makuha ni Charlie kung ano ‘yung matagal na niyang pangarap. Number #1 fan and supporter nga ‘di ba. Though in the end, na-realize naman ni Bianca kung anong resulta ng plano niya. She learned her lesson.”

 

 

Sabi ni @romulus.evales.futureteacher sa pag-arte ni Devi, “Effective pala ang gumanap na Bianca dito, ang daming nanggigigil.”

 

 

Janong: Best Dad Ever

 

 

Nabihag naman ni Janong (Ghaello Salva) ang mga tagapanood bilang ama ni Charlie. Pinaulanan ng pagmamahal ng fans si Janong dahil sa kaniyang suporta sa anak:

 

 

“Who agrees with me that his dad deserves someone to love him as much as he loves his son? Best dad.” – @sandrablack4197

 

 

“Nakakatuwa ang daddy niya. Napakabait and supportive. Cool lang na daddy.” – @chubzyhatz3135

 

 

“Isa sa pinakagusto ko sa series na ito ay ang napaka-supportive na father.” – @philipmanansala8855

 

 

Ikinatuwa naman ito ni Ghaello ang natanggap na pagmamahal: “Actually, knowing the viewers of My Plantito were millennials and Gen Zs, I didn’t expect them to give Janong more than casual attention. So, from the bottom of my heart, thank you for welcoming Janong and my son Charlie into your hearts.”

 

 

Nagbahagi din siya ng payo sa mga magulang: “Support and open communication are crucial. We need to show selfless love to them. And as parents, let’s educate ourselves about LGBTQ+ issues and create a safe space where they may feel accepted and understood.”

 

 

Miko: Ang Heartthrob ng My Plantito

 

 

Ang tauhan ni Miko, na ginampanan ng poging si Michael Ver, ay nagpakilig at nagpaibig din sa mga tagasunod.

 

 

“I keep viewing all of Miko’s scenes over and over AND OVER again . . . but I can’t get enough of my plantito Michael Ver!” – @fmaximo1979

 

 

“Miko? There isn’t a straight girl or gay guy who would reject you. It’s cute that Miko doesn’t realize that, though.” – @gnirolnamlerf593

 

 

Nang makatanggap si Miko ng mga papuri at heart-eyed emojis, hindi niya hinayaang palakihin nito ang kaniyang ulo. Sabi niya, “I felt excited and nervous in creating My Plantito because I have never been in a boy-love series ever. I accepted this project because I love the story and the reality that it tackles.”

 

 

Ihinayag din niya ang kaniyang pasasalamat sa mga tagapanood ng My Plantito. “I was overwhelmed by how the fans took to the love team of Miko and Charlie. I really appreciate their positive responses and reactions!”

 

 

Miko-Charlie Chemistry: Love Team na Hindi Malilimutan

 

 

Habang marami ang natuwa sa pagiging magulang ni Janong, nagdebate sa mga desisyon ni Bianca bilang BFF, at napabuntung-hininga sa appeal ni Miko, may isang aspekto ang My Plantito na hindi rin matigilang pag-usapan ng fans–ang hindi maitatangging chemistry sa pagitan nina Miko at Charlie. Iniwan ng serye ang fans na nananabik pa sa kanila, at humihingi pa ng mas maraming proyekto para sa dalawa.

 

 

“The chemistry is so good. More projects for Miko and Charlie, please!” – @iamkennethic

 

 

“I’m starting to love the chemistry between Miko and Charlie. In fairness, pareho silang neophytes pero magaling silang umarte. Sana mabigyan sila ng mas malaki pang projects. Finger crossed! Love you both!” – @amirprince68

 

 

Hindi nahihiya ang mga fan na ihayag ang kanilang kagustuhan na magtambal pa sina Miko at Charlie, ang parehong mapagpasalamat ang mga bida sa suporta.

 

 

Sabi ni Kych, na nagbigay-buhay kay Charlie, “Sobrang thankful po talaga ako na maging part ng My Plantito. Ngayon, bawat paglabas ko may nagpapa-picture na at nagsasabi na napanood nila ako sa My Plantito. May mga nagsasabi na naka-relate sila sa kwento. Fan meet pa lang dama na namin ang suporta ng fans. Sa online, lagi tayong trending.”

 

 

Nagdagdag din siya ng mensahe sa on-screen partner na si Michael:

 

 

“Message ko for Michael: ‘Ituloy mo lang ang pagiging masipag mo sa trabaho, at ang grabeng dedication mo.’ Makikita mo na pursigido talaga si Michael sa ginagawa niya. Mami-miss ko ang mga kulitan at kwentuhan namin pagkatapos ng mga eksena. ‘Michael, message ka lang dahil nandito lang kami para sumuporta sa iyo.’ ”

 

 

Habang nananatili ang kilig mula sa huling episode ng My Plantito, humihirit si Kych ng posibleng ikalawang season: “I’m wishing na sana magkaroon ng Season 2 at matuloy natin kung ano pa kaya ang nangyari kina Miko at Charlie. Abangan!”

 

 

Natapos na ang serye pero patuloy lamang ang kilig: maaaring panoorin ang My Plantito sa opisyal na YouTube at Tiktok channel ng Puregold.

 

 

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @Puregoldph sa Tiktok.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Pinoy Tasty’ at ‘Pinoy Pandesal’ may taas presyo na

    IPINAGTANGGOL  ng grupo ng mga panadero ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang “Pinoy Tasty: at “Pinoy Pandesal”.     Mayroon kasing P40.50 ang presyo ng Pinoy Tasty mula sa dating P38.50 kada balot hbang ang Pinoy Pandesal ay nasa P25.00 kada balot na mayroong P1.50 ang pagtaas.     Ang nasabing dagdag presyo isang […]

  • FEEDER ROUTES ng mga PAMPUBLIKONG SASAKYAN NA MAARING TAMAAN ng MASS-TRANSPORT TRANSIT, PAGHANDAAN!

    Magandang balita sa mga pasahero na nasimulan na o sisimulan na ang mga mass-transport system lalo na sa Metro Manila.  Mas mabilis, mas maginhawa at mas maraming maisasakay.  Ang kailangan din na paghandaan ay yung mga feeder routes ng mga jeeps, UV express, at buses na kakailanganin para makarating ang mga pasahero sa mga istasyon ng […]

  • Smart tv, wall fan, ceiling fan, ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan sa mga pampublikong paaralan na elementarya at high school.     Kabilang sa mga elementarya na nakatanggap ng 55-inch smart TV at electric fan ay ang North Bay Boulevard North Elementary School, […]