• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Summer filmfest entry sana pero naudlot dahil sa pandemya… Movie nina JANINE at PAULO, maipalalabas na rin sa mga sinehan

MATAPOS subukan tumakbo bilang senador nitong 2022 election, nagbabalik si Dr. Carl Balita sa isang bagay na mahal niya – hosting a TV show.

 

 

Sa presscon ng Entrepinoy Revolution na ginawa noong May 23 sa opisina ng SMNI (ang bago niyang tahanan), binanggit niya na he is launching an entrepreneurial revolution.

 

 

“Perfect opportunity occurs after major crises like wars and pandemics,” sabi niya.

 

 

Sa programang Entrepinoy Revolution, ibabahagi ang mga tagumpay at lessons mula sa mga microenterprises sa pamamagitan ng kwento ng mga nagtagumpay sa larangang ito.

 

 

“My goal is to link services of government and other NGOs to help entrepreneurs grow their business,” sabi pa ni Dr. Carl na ipinahayag na dapat matutunan nating mga Pinoy na mag-invest sa pagnenegosyo.

 

 

Nais din ng programa na makatulong sa mga existing entrepreneurs na mapalago pa ang kanilang negosyo.Kabilang sa s egments ng programa ay NegosYou, Grow Negosyo, Kalye Negosyo at Sala Pinoy.

 

 

Welcome na welcome din kay Dr. Carl ang pagkakaroon ng bagong tahanan sa SMNI.

 

 

“I feel at home here and I share the vision of the network,” pahayag pa ng host ng Entrepinoy Revolution na magsisimula sa Biyernes, 4:30 to 5:30 p.m.

 

 

***

 

 

FINALLY ay maipapalabas na rin ang Ngayon Kaya, ang movie nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino for TREX Entertainment at WASD Films.

 

 

Ito ay dinirek ni Prime Cruz, ang director ng Ang Manananggal sa Unit 23 B, Can We Still Be Friends?, at One More With Feelings at mula sa script ni Jen Chuaunsu.

 

 

Pwede na ninyong mapanood ang trailer ng Ngayon Kaya sa Facebook page ng TREX Entertainment.

 

 

Dapat sana ay entry ang Janine-Paulo film sa naudlot na Summer MMFF noong 2020 na ‘di natuloy dahil sa pandemya.

 

 

Pero basta maganda ang pelikula, it is worth the long wait. Sabik ang tao na makapanood ng magandang movie.

 

 

Maganda ang trailer ng movie at kitang-kita ang chemistry nina Janine at Paulo. Solid ang combination nilang dalawa. Kapwa Gawad Urian top acting winners sina Janine at Paulo. Kaya expect na mahusay ang performance nilang dalawa.

 

 

Una nilang ginawa ang movie bago sila nagsama sa ABS-CBN serye na Marry You, Merry Me kung saan nagsimula ang tsismis na may something sa kanilang dalawa.

 

 

Showing na ang Ngayon Kaya sa June 22 in your favorite cinemas.

 

 

***

 

 

AFTER a year of absence, nagbabalik sa music scene si Jace Roque.

 

 

Nagpahinga habang ina-address ang mentsl health issues pero he is happy to say na he is over the hump.

 

 

Aminado si Jace na his mental health was affected by the pandemic. Nawalan siya ng outlet to keep himself busy. But to celebrate his return to the music ay naglabas siya ng two songs.

 

 

One is titled “Di Para Sa Iyo”, which is his first ever Tagalog song. Very personal daw ang hugot niya sa kanta.

 

 

“After loving someone 100 percent, di ka pala niya ganoon kamahal. Kaya ang message ng song is love yourself more. Sa pagkakataong ito, sarili ko naman ang pipiliin ko,” wika ni Jace.

 

 

He has another composition titled “Be Someone” na mensahe naman ay in one’s journey in life dapat sundin mo ang gusto mo, at wag magpaapekto sa expectations ng tao sa iyo.

 

 

By December ay ilalabas niya ang kanyang mini-album composed of four songs.

 

 

Thankful si Jace dahil kahit nawala siya ay nanatili ang suporta ng kanyang fans who were all excited sa kanyang music comeback.

 

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • 8 mataas na opisyal ng PNP ipinuwesto

    WALONG matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang may bagong puwesto kabilang si Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Redrico Maranan.     Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil papalit si Maranan kay PBGen. Jose Hidalgo Jr., bilang Police Regional Office-Central Luzon o Region 3. Magreretiro si Hildalgo sa […]

  • Patuloy na mapagbantay laban sa climate change

    PANAWAGAN ni Speaker Martin Romualdez sa publiko na patuloy na maging mapagbantay laban sa climate change kasabay na rin sa ika-11 taong anibersaryo ng pagtama ng super typhoon Yolanda sa bansa.     “Hindi na dapat maulit pa ang trahedyang naganap noong panahon ng Yolanda. Gaano man kalakas ang bagyong darating, dapat nating siguruhin na […]

  • 6 drug suspects nadamba sa buy bust sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.     Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong 3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]