SUNDALO INALOK NG SHABU, VENDOR KULONG
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
SWAK sa kalaboso ang isang fruit vendor dahil sa halip na prutas ay shabu ang inalok niya sa isang sundalo na noon ay nakasuot damit pang sibilyan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Arsenio Mejia, 22, ng Dulong Tangke, Brgy., Malinta.
Base sa report ni PSSg Carlos Erasquin Jr, may hawak ng kaso kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-2 ng hapon nang ipakita ng suspek kay PFC Jebson Batalla, 37, miyembro ng Philippine Army at residente sa naturang lugar ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Dahil nakasuot ng damit pang sibilyan, hindi inakala ni Mejia na isang sundalo si PFC Batalla at inalok niya dito ang naturang item sa halagang P300.
Nagulat na lamang si Mejia nang bigla na lamang siyang sinunggaban ni PFC Battala at narekober sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa P340.00 halaga ng hinihinalang shabu. (Richard Mesa)
-
Close lang pero ‘di pa papunta sa seryosong relasyon: Post ni DARREN, nag-viral dahil kay CASSY na nasa reflection ng eyeglasses
NAKAMIT din ni former senator and Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanyang master’s degree mula sa Philippine Christian University (PCU), kung saan siya kumuha ng Master in Management, Major in Public Administration. Noong nakaraang Sabado, August 27, kasama si Manny na nagmartsa sa 79th Commencement Exercises ng PCU sa Philippine International Convention Center […]
-
Inaasahan na gagawa uli ng box-office record: VICE at Direk CATHY, sanib-puwersa sa MMFF entry na ‘Partners In Crime’
MAGSASANIB-PUWERSA sa isang malaking pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2022 ang Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda at Box-Office Director Cathy Garcia-Molina. May title na Partners in Crime ang action-comedy na pagbibidahan ni Vice at ni Ivana Alawi. Na-announce na ito noong nakaraang July ng bumubuo ng MMFF kasama ang tatlo pang […]
-
Higit 6K tradisyunal na jeep sa MM, balik pasada ngayon
Balik pasada na simula ngayon, Hulyo 3, ang 6,002 tradisyunal na jeep sa Metro Manila makalipas ang mahigit tatlong buwang tigil-operasyon bunsod ng community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic. Base sa guidelines na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tanging ang mga maituturing na “road worthy” traditional jeepneys lamang at […]