Sunog sa Manila Central Post Office, dahil sa sumabog na baterya ng sasakyan
- Published on June 9, 2023
- by @peoplesbalita
AKSIDENTE lamang umano ang sunog na tumupok sa Manila Central Post Office sa Lawton, Maynila noong nakaraang buwan.
Ito ang naging resulta nang isinagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagsabing ang apoy ay nagmula sa sumabog na baterya ng sasakyan na na-discharged at nag-init hanggang sa tuluyang magliyab at tumupok sa mga nakapaligid ditong combustible materials na nasa Mega Manila Storage Room.
Anang BFP, kabilang sa mga gamit na naka-imbak sa naturang silid ay mga office supplies, thinner, at pintura.
Kaugnay nito, sinabi ng BFP na itinuturing nila sa ngayong sarado na ang imbestigasyon sa sunog sa post office.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni PHLPost Postmaster General Luis Carlos na tinatanggap nila ang resulta ng imbestigasyon ng BFP.
Sa ngayon aniya ay magpopokus na lamang sila sa recovery at rehabilitasyon ng nasunog na makasaysayang gusali.
Matatandaang Mayo 21 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa gusali.
Nagsimula ito sa basement at mabilis na tumupok sa buong gusali.
Inabot ng general alarm ang sunog bago tuluyang naapula matapos ang 31-oras.
Nasa 18 katao, na karamihan ay nga bumbero, ang nasugatan dahil sa sunog.
Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 300 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.
Dahil sa resultang ito, ikinukunsidera ng BFP na “case closed” na ang kaso sa pagkasunog ng 97-taong gulang na gusali. (Daris Jose)
-
National Chess Federation iaapela ang pag-disqualified sa kanila sa 2021 FIDE Online Olympiad
Iaapela ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang pag-disqualified ng bansa sa 2021 FIDE Online Olympiad dahil umano sa paglabag sa patakaran ng laro. Kasunod ito sa pagkakadiskubre na isang manlalaro nito ang lumabag sa fair play kaya buong koponan ay na-disqualified. Nasa pangalawang overall kasi ang Pilipinas sa […]
-
Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lumutang na alegasyon na isang espiya ng China ang nadismis na si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. “Definitely DILG-PNP [Department of the Interior and Local Government-Philippine National Police] should investigate these allegations,” pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos. Lumutang […]
-
Bilang ng mga Pinoy na target mabakunahan ng aangkating Covid-19 vaccine, sapat na upang makamit ang herd immunity- Malakanyang
TIWALA ang Malakanyang na maaabot ng gobyerno ang tinatawag na herd immunity sa gitna ng target na makapagbakuna ng hanggang 60 milyong mga filipino. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pahayag ni Dr Tony Leachon na para maabot ang herd immunity ay kailangang 60 hanggang 70 porsiyento ng populasyon […]