Sunog sa Paco, Maynila: 1 patay
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
Isang babae ang nasawi nang maipit sa kaniyang nagliliyab na bahay sa sunog na naganap isang residential area sa Paco, Maynila dulot umano ng napabayaang rice cooker, kahapon ng madaling araw.
Inisyal na kinilala ang nasawi na si Loida Reyes Delayman, 54, ng Interior 29 Gomez Street, Brgy. 823 Paco, ng naturang lungsod. Isa pang babae na inaalam pa ang pagkakakilanlan ang nasugatan sa insidente at agad na isinugod sa pagamutan.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang mag-umpisa ang sunog sa bahay ng pamilya Delayman na agad na itinaas sa unang alarma dahil sa biglaang pagkalat nito sa buong bahay.
Nahirapang maapula ng mga rumespondeng bumbero ang apoy dahil sa makitid na daan sa looban kung saan nakatirik ang bahay. Dahil din sa gawa sa light materials, naitaas sa ikaapat na alarma ang apoy dakong alas-5:25 ng madaling araw.
Tumagal pa hanggang alas-7:28 ng umaga bago tuluyang maapula at mapigilan ang pagkalat ng apoy saka sinundan ng pagdedeklara ng fire-out dakong alas-8:50 na ng umaga.
Sa isinagawang mopping operation, nadiskubre ang bangkay ni Delayman sa loob ng natupok nilang bahay nang hindi na niya magawang makalabas.
Sa pahayag ng BFP, nasa 50 bahay ang nadamay kung saan nakatira ang higit sa 100 pamilya at aabot sa higit-kumulang P500,000 ang halaga ng pinsala. (GENE ADSUARA)
-
OVP naglunsad ng libreng job platform para sa mga unemployed dahil sa pandemic
Dahil sa epektong idinulot ng COVID-19 pandemic sa sektor ng manggagawa, naglunsad ang Office of the Vice President (OVP) ng libreng online platform para sa mga naghahanap ng bagong hanapbuhay at oportunidad. Target ng BAYANIHANAPBUHAY initiative na tulungan ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho mula nang pumutok ang krisis ng coronavirus sa bansa. […]
-
MARCOS, DUTERTE GIVE WARM GREETINGS TO ROMUALDEZ ON DAY OF OATH-TAKING
TACLOBAN CITY – THE top two incoming leaders of the country, President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and incoming Vice President Sara Duterte, gave warm congratulatory remarks to House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez Wednesday morning during the occasion of the latter’s oath-taking as the reelected Leyte 1st District congressman. […]
-
No vaccine, no participation! –Vietnam
Kailangan nang mabakunahan ang mga miyembro ng Team Philippines na lalahok sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre. Ito ay matapos mag-isyu ang Vietnam SEA Games Organizing Committee ng ‘no vaccine, no participation” policy sa lahat ng bansang sasabak sa biennial event na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang […]