• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suns sinibak ang Lakers

Kumamada si Devin Booker ng 47 points sa 113-100 pagsibak ng Phoenix Suns sa nagdedepensang Lakers sa Game Six ng kanilang Western Confe­rence first-round playoffs series.

 

 

Nagdagdag si Jae Crowder ng 18 markers para itiklop ng Suns sa 4-2 ang kanilang serye ng Lakers at plantsahin ang semifinals duel nila ng Denver Nuggets.

 

 

Ito ang unang first-round series loss ni Lakers superstar LeBron James sa kanyang 18-year NBA career.

 

 

Pinamunuan ni James ang Lakers sa kanyang 29 points, 9 rebounds at 7 assists.

 

 

Ang pagkawala ni La­kers star forward Anthony Davis sa first period dahil sa kanyang groin injury ang sinamantala ng Suns para kunin ang 29-point lead sa first half.

 

 

Bagama’t naputol ito ng Lakers sa 10-point deficit sa fourth period ay hindi naman bumitaw sa kanilang hawak na bentahe ang Suns patungo sa kanilang panalo.

 

 

Sa Portland, bumalikwas ang Nuggets mula sa 14-point deficit sa third period para balikan ang Trail Blazers, 126-115, at tapusin ang kanilang serye.

 

 

Humakot si center Nikola Jokic ng 36 points, 8 rebounds at 6 assists sa 4-2 pagpapatalsik ng Denver sa Portland para pumasok sa semis sa ikatlong sunod na season.

 

 

Humataw si Michael Porter Jr. ng 26 points, ang 22 ay iniskor niya sa first quarter, at may 22 mar­kers si Monte Morris para sa Denver na kinuha ang 108-106 bentahe mula sa triple ni Jokic patungo sa 117-108 pagbaon sa Portland sa huling 3:52 minuto ng final canto.

Other News
  • Mas mataas na bilang ng dadalo sa SONA, inaasahan

    Tinataya ni House Secretary General Reginald Velasco, sa isinagawang press briefing nitong Martes, na ang attendance sa State of the Nation Address (SONA) ngayon taon ay pinakamalaki base sa ginawang kumpirmasyon na natanggap ng kanyang tanggapan mula sa ma imbitadong bisita. “We may be opening some viewing rooms for the additional guests kasi overwhelming yung […]

  • DEACTIVATED VOTERS MAGPAREHISTRO ULIT

    NANAWAGAN ang Commission on Elections (Comelec) sa mga deactivated voters na i-renew ang kanilang registration bago ang deadline sa September 30.     Ginawa ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang apela sa higit anim na milyong botante na deactivated na ang kanilang registration dahil sa hindi pagboto ng magkasunod na halalan.     “To reactivate, […]

  • Programang pinalawak na serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan, damang-dama ng bawat Pilipino inilunsad ng Philhealth

    INILUNSAD ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ang programang Pinalawak na Serbisyong Pangkalusugan para sa Mamamayan, Damang-dama ng Bawat Pilipino.     Sa pulong balitaan, sinabi ni Philhealth President Emmanuel Ledesma Jr., layon ng programa na matiyak na ang bawat mamamayan ay makakatanggap ng serbisyong medikal ng walang iniisip na bayarin.     Ayon […]