• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUNSHINE, tuluyan nang gumaling sa COVID-19 dahil sa pagbi-beach kasama ang mga anak

DAGAT lang daw pala ang magpapagaling ng tuluyan sa actress na si Sunshine Cruz.

 

 

Simula raw kasi nang tamaan siya ng COVID-19 kunsaan, mas higit pa sa 14 days ang naging healing period niya, inamin ni Sunshine na naging weak o mahina na raw ang lungs niya.

 

 

May mga gabing hindi raw siya makatulog dahil sa kauubo kahit na tested negative na naman siya. At dahil dito, may ilang guesting daw siyang natatanggihan dahil required na kumanta siya at hindi niya kaya.

 

 

Actually, hindi lang si Sunshine ang naringgan namin ng kuwento na after nilang magka-COVID, parang buwan pa inabot bago tuluyang gumaling sa ubo.

 

 

Nakatulong daw ang pagbi-beach niya kasama ang mga anak at malamang, ang boyfriend na si Macky Mathay rin na gumaling siya.

 

 

Sey niya sa kanyang Facebook post, “Covid made my lungs very weak. Even after testing negative for Covid, I’ve been having sleepless nights from coughing. I’ve declined guestings that require me to sing because of my persistent cough.

 

 

“Thank you Lord for the wonderful 4 days you’ve given me and the kids. Thank you for the gift of work, nadadala ko ang mga anak ko sa magagandang lugar. Thank you for healing me. I can finally workout.

 

 

“Pwede na din ulit ako kumanta.”

 

 

***

HALOS sabay-sabay ang mga bagong programa ng GMA-7 sa lock-in taping. Nandiyan nga ang The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

 

 

Gayundin ang To Have and To Hold nina Max Collins, Carla Abellana at Rocco Nacino. First lock-in ni Max since mabuntis at manganak kaya nag-post ito kung pwede raw ilagay o isama sa luggage niya ang anak nila ni Pancho Magno na si Skye Collins.

 

 

At ang pre-pandemic pa na pinaghahandaang Voltes V: Legacy. Ayon sa post ng director nito na si Direk Mark Reyes, nakapag-check-in na raw sa hotel ang ilang cast members for their quarantine.

 

 

Ang bagong protocol nga ngayon kasi sa mga lock-in taping ng GMA-7, ilang araw na quarantine sa hotel na ibibigay ng network. After few days, swab test. Kapag negative, diretso sa lock-in taping.

 

 

Magkaka-aberya lang at mamu-move ang taping kapag isa sa mga lead stars ang nag-positive sa swab test.

 

 

***

 

 

KAHIT na mahigit isang taon simula nang magka-pandemic na wala talagang naging serye si Jak Roberto, okay lang daw siya at sinabing personal choice na rin daw niya na ‘wag munang tumanggap.

 

 

Kaya ang ayaw pang i-reveal na bagong teleserye na gagawin ang magiging first lock-in experience niya raw. Sa ngayon kasi ay naka-quarantine na ito.

 

 

Katwiran ni Jak, “Kailangan ko rin kasing protektahan ang family ko. Pareho kami ni Sanya na lumalabas. Kung magte-taping kaming parehas, masyadong risky.

 

 

“Ang dami namin dito sa bahay, mga walo yata kami. Kaya personally, ako na rin nagsabi sa handler ko, sa manager ko po sa GMA Artist Center na minsan po katulad sa ‘Heartful Café’ na five days lock-in lang, tinatanggap ko po.

 

 

“Choice ko na rin po para mas safe lang din tayo.”

 

 

Masaya naman daw siya para sa kapatid na si Sanya Lopez na siyang humahataw sa kabila ng pandemya.

 

 

At sabi pa niya, “Kapag binabalikan nga po namin yung dati na, ganito lang gusto ko dati, something like that. Ngayon po, may bahay na siya, ako po, may nagiging investment na rin kaya thankful lang po talaga sa lahat ng nangyayari.” (ROSE GARCIA)

Other News
  • LTO, PNP pumirma ng data-sharing agreement para sa mabisang pag-iwas at paglabas sa krimen

    PINALAKAS ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang ugnayan sa pagpapatupad ng batas matapos lagdaan ang isang kasunduan sa data-sharing na magbibigay-daan sa mga imbestigador ng pulisya na magkaroon ng access sa mga record ng mga sasakyan, partikular na ang mga ginagamit sa kriminal na aktibidad.     Ayon kay […]

  • 400 accounts sa social media, tinanggal

    INALIS ng social media giant na Meta Platforms Inc. ang mahigit 400 accounts, pages at groups sa layong matigil ang mga hate speech, misinformation at bullying sa gitna na rin ng nalalapit na halalan.     Nabatid na dumami ang mga online hate speech matapos iba­ling ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa social […]

  • Sa naging performance sa ‘Rock in Rio Music Festival’: ARNEL, ipinagtanggol ng mga miyembro ng bandang ‘Journey’

    KAYA pala biglang hindi na naging aktibo sa showbiz ang dating Kapuso teen actor na si Ralph Noriega ay dahil nagtayo ito ng sarili niyang negosyo kasama ang kanyang girlfriend.     “Mas pinagkakaabalahan ko po ‘yung business namin ng girlfriend ko which is ‘yung Within The Box Woodworks & Design Co. We specialize in […]