• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sunud-sunod na sinagot ang mga isyu sa kanya… VICE GANDA, nagbirong aalis na sa ‘It’s Showtime’ kaya may contract signing

IKINALOKA ng mga netizens sa bagong pasabog ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda tungkol sa mga dahilan ng pag-absent niya sa “It’s Showtime” lalo na sa grand finals ng “Miss Q&A” last Saturday.

 

 

Sunud-sunod ang naging Twitter post ng TV host-comedian para patulan ang tanong isang netizen na kung ano ang problema niya at natiis ang mga followers at viewers. At baka raw totoong hindi na sila ok ng mga co-hosts.

 

 

Niretweet ito ni Vice kasunod ang kanyang mga pasabog na sagot, “Totoo po lahat ng mga nasa isip nyo. Wala naman po talagang dahilan kung bat ako absent last sat. Tinamad lang ako talaga.

 

 

“At totoong may mga issues kami ngayon sa showtime. Ang cast at ang direktor. At oras na para ipaalam ko sa inyo ang mga nangyayari para matapos na.”

 

 

Kabilang nga ang tsikang lumabas na magkaaway daw sila ni Anne Curtis. Nag-away-away din sina Ion Perez at Jhong Hilario, Ryan Bang at Teddy Corpuz.

 

 

Sunud-sunod na sagot ni Vice, “Una, TOTOONG MAGAKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na tong alitan na to na di naayos. Its been 13yrs na di maresolve ang issue kung sino samin ang chaka.

 

 

“And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok nya ang kamay ko at till now di ko pa nababawi. I hate anne for life!

 

 

“Pangalawa, last week nagsapakan si Jhong at si Ion. Magpartner kasi sila sa Magpasikat at hirap na hirap si Ion na magchoreo dahil mabagal pumick up ng sayaw si Jhong. Di makuha ni Jhong ang step ng LintikNaPagIbig at napikon na si Ion at nagpang abot sila.

 

 

“Pangatlo, NAGMURAHAN SI TEDDY AT RYAN SA STUDIO. Nagpakulot kasi si Teddy sa Salon ni Ryan. Nangako si Ryan na maganda ang kalalabasan nito. Pagtapos magpakulot ay dumiretso na si Teddy sa studio ng masaya naman. Pagkita ni Ryan ay nagsorry ito. Ayun minura sya ni Teddy.

 

 

“At eto na nga ang pang apat at pinakamalaking issue na kinakaharap ngayon ng showtime.

 

 

“Sinubukan nilang itago ito pero alam ko namang lalabas din sa takdang oras. Madlang People…….nabuntis ni Direk Jon Moll si Jugz.”

 

 

Dagdag pang-aasar pa niya, “Ayan po ang mga dahilan ng mga away at kaguluhan sa showtime. Tama ang mga nasa isip nyo. Kaya naman tamad na tamad nakong pumasok. At dahil dyan gusto ko ng magresign. At dahil gusto ko ng magresign ay may contract signing po ako next next week. Ok na po?? Happy??”

 

 

Huling hirit pa ni Vice, “Happy 13th Anniversary It’s Showtime!!! See u Wednesday! Miss u and love u!!!”

 

 

***

 

HINDI nakatatakot, pero nakagugulat, ganyan ang sumalubong na Halloween sa mga tao sa Snow World Manila simula nang linggong ito. Hindi talaga ginawang nakatatakot dahil sa mga bata ang karamihan sa mga pumapasok sa Snow World, bukod nga sa magbubukas naman ng horror attraction ang Star City, para sa mga gusto ng katatakutan talaga.

 

Ang Halloween sa Snow World ay katuwaan din. May makikitang mga bampira, ice zombies, mangkukulam at ang legendary snow ghost na si Yukki Onna.

 

Ayon sa mga kuwento, si Yukki Onna ay namatay sa isang snow avalanche sa Japan, at magmula noon nagpapakita siya sa mga naglalakad sa snow lalo na sa gabi, para paalalahanan sila na mag-ingat lalo na ‘pag masama ang panahon.
Habang ine-enjoy ninyo ang Halloween sa Snow World, nariyan pa rin ang 30 meters ice slide, mas maikli kaysa sa dati, pero mas ligtas naman.

 

Pinalawak din ang snow area kung saan puwedeng makapaglaro sa tunay na snow, at maranasan ang totoong snow fall. Kung kayo’y giniginaw na, maaaring uminom ng mainit na kape o tsokolate sa mismong Snow World Café na nasa loob ng attraction.

 

Ang Snow World Manila, ang kaisa-isang snow attraction sa buong Luzon ay bukas mula Huwebes hanggang Linggo, mula alas dose ng tanghali hanggang alas-otso ng gabi.

 

Muli ngang magkakaroon ng katuparan ang lagi nating pangarap na makakita ng tunay na snow at magkaroon ng white Christmas, matapos na maghintay nang tatlong taon.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads October 20, 2022

  • 47K OFWs apektado sa deployment ban sa Kuwait

    AABOT  sa 47,099 overseas Filipino workers ang maaapektuhan ng suspensyon ng deployment sa Kuwait, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).     “Nakikita natin na last year for instance mga 47,000 ang OFW kasambahay ang nagtungo sa Kuwait. Sa nakikita natin around that same figure ang potentially sa loob ng isang taon ang maapektuhan,” […]

  • Tinandaan ang panglalait noon na isang ‘ham actor’: GARDO, mas gustong kainisan at tumatak sa viewers ang pagiging kontrabida

    MAY kanya-kanyang dahilan kung bakit nagsusumikap na magtrabaho sa showbiz ang ilang artista.     Karamihan ay may kinalaman sa kanilang pamilya at ang pagiging breadwinner nila.     Tulad na lang ng Sparkle stars na sina Lexi Gonzales at Zonia Mejia na ang dahilan kung bakit sila nasa showbiz ay para makatulong sa gastusin […]