• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Super excited dahil idol ang female rockstar: ICE, kinilig nang makumpirmang special guest sa two-night concert ni ALANIS MORISSETTE

KINILIG ng sobra and multi-platinum recording artist na si Ice Seguerra nang makumpirma na siya ang napiling special guest para mag-open ng concert ng international female rockstar na si Alanis Morissette na magaganap sa Mall of Asia Arena, na kung saan sold out na ang August 1.

 

 

Kaya last April, in-announce na ng Ovation Productions na magkakaroon ng second night ang Manila concert of Alanis sa August 2 na may natitira pang ilang tickets.

 

 

Sa post ni Ice sa kanyang Instagram account ng poster ng naturang concert at may caption na…

 

 

“EEEEEEEEEEHHHHHHHHH!!!! KINIKILIG AKOOOOOOOOOOOOOO!!!!Homaygaaaaaaaaaaaaaaaahdddd!!!!!”

 

 

“I grew up listening to her music! This album was my companion mula umaga hanggang gabi!”

 

 

Dagdag pa ni Ice na napanonood din Sugod Bahay Mga Kapatid segment ng ‘E.A.T.’, “I hope to see you all on Aug 1 and 2 at the MOA Arena! Let’s all celebrate the one and only, Alanis Morissette!!!!”

 

 

Kuwento ni Ice na kabisado ang buong ‘Jagged Little Pill’ album, “Super excited ako kasi idol ko siya. Bata pa lang ako, super fan na ako.”

 

 

Ang upcoming show ni Alanis sa Manila ay bahagi ng kanyang tour para i-celebrate ang 25th anniversary ng kanyang album, na tatlong ulit nang na-postpone dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ang original schedule nito ay April 2020, pero na-move ng December 2021 at muling nalipat ng November 2022.

 

 

Tiyak na marami pa rin ang makaaalala sa 90s album na “Jagged Little Pill” (Ranked #69 sa 500 Best Albums of All Time ng Rolling Stone) na kung saan sumikat ang “You Oughta Know,” “Hand in My Pocket,” “Ironic.” “You Learn” at “Head Over Feet”.

 

 

Nagwagi rin ang 21-year-old na si Alanis ng limang Grammy Awards, kasama ang Album of the Year, kaya siya lang naman ang pinakabatang performer na nakakuha ng prestigious honor.

 

 

Samantala, tonight at 7 pm na ang “Just ICE, The Ice Seguerra Bar Tour Series: First Leg” sa TakeOver Lounge, Xavierville Ave, Loyola Heights, Quezon City.

 

May live performances din sina Jana Garcia, Hason, Jetcoaster at Pisara.

 

 

***

 

 

ALINSUNOD sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itaguyod ang media and information literacy sa bansa, inilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Responsableng Panonood (RP) kamakailan sa Trinoma Mall, Quezon City.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio na ang ‘RP Campaign’ ay tugon ng Board sa patuloy na pagbabago at pag-unlad ng media landscape. Hinikayat niya ang bawat Pilipino na isabuhay ang responsableng panonood at responsableng pag-Klik.

 

Binigyang-diin din niya ang kritikal na papel ng pamilya, lalo na ng mga magulang, sa paghubog ng pagkatao ng batang Pilipino.

 

 

“Nais naming bigyang-pansin ang kahalagahan ng paghubog sa karakter ng ating kabataan,” sabi ni Sotto-Antonio.

 

 

“Naniniwala kami na ang mabuting asal ay nagsisimula sa ating mga tahanan. Kinikilala natin na ang pamilya ay pundasyon ng ating lipunan at ugat ng ugaling nagpapayaman sa magandang kinabukasan.”

 

 

Sinabi rin ni MTRCB Vice Chairperson Njel De Mesa na sa ilalim ng RP campaign ay ang mga iba’t-ibang aktibidades para sa mga miyembro ng pamilyang Pilipino upang magabayan nila ang mga batang manonood sa pagpili ng mga makabuluhang pelikula.

 

 

Nagpasalamat din si De Mesa sa mga indibidwal at organisasyon na tumulong sa matagumpay na paglulunsad ng kampanya.

 

 

Sa kanyang keynote address, binanggit ni Dr. Lillian “Ali” Gui, isang rehistradong sikolohista, child psychotherapist at MTRCB Board Member, ang mahalagang tungkulin ng mga magulang sa paggabay sa mga bata sa panahon ng digital.

 

 

“Huwag nating hayaan ang ating mga anak na maging alipin ng cellphone,” babala ni Gui. “Nasa kamay natin bilang mga magulang ang paghubog sa kinabukasan ng ating mga anak. Hindi sa kamay ng cellphone.”

 

 

Dumalo sa okasyon ang ilang key government at non-government institutions gaya ng Department of Education – Schools Division Office Quezon City, National Council for Children’s Television (NCCT), Ayala Malls, Quezon City Federation of Parents and Teachers Association (QCFPTA), at ng mga international partners tulad ng Audio Visual Industry Association (AVIA), Netflix at Warner Bros.

 

 

Nagkaroon din ng talakayan ang ilang sektor ng lipunan tungkol sa parenting at media technology. Si Board Member Atty. Gabriela “Gaby” Concepcion ang naging tagapangulo sa panel na kinabilangan nina Dr. Gui, Dr. Arlene Escalante-Eluwa at dating MTRCB Board Members Teresita “Tessie” Villarama at Bobby Andrews.

 

 

Tampok din sa programa ang opisyal na pagpapakilala sa mga RP Parent Advocates na binubuo ng mga influencer, artista, at mga pulitiko. Ang mga Parent Advocates ay sina Ciara Sotto, Konsehal ng Quezon City na si Candy Medina, Konsehal ng Pasig na si Angelu de Leon, Joy Sotto, Rosselle Taberna, Jennifer Go, at Tessa Mauricio-Arriola.

 

 

Opisyal ding ipinakilala si Klik, ang mascot ng MTRCB. Sinabayan ito ng pag-awit ng jingle na “Iklik Mo Yan” na inawit ni De Mesa at umani ng standing ovation. Ang jingle ay sinulat at nilapatan ng musika nina Board Members Richard Reynoso, Neal Del Rosario at De Mesa.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • KIM, naghihintay pa rin ng sagot sa tanong niya sa basher na nanglait kay JERALD

    SA ginanap na Zoom presscon kamakailan para sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam na unang pagtatambalan ng real-life sweetheart na sina Kim Molina at Jerald Napoles, natanong namin ang dalawa na pag sobra-sobra na kabastusan ng bashers, wish ba nila na mawala na lang pakiramdam para ‘di na patulan?     “Yes, diretsa ang sagot ko,” […]

  • WALA NAMAN PAGTATAAS ng PASAHE, BAKIT MAS MAGASTOS BUMIYAHE

    Inanunsyo dati ng LTFRB na hindi sila papayag na magtaas ng pasahe sa panahon ng General Community Quarantine (GCQ) dahil hirap pa ang mga pasahero. Pero bakit tila yata mas magastos mamasahe ngayon. Anong nangyayari? Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit sa kabila ng walang taas pasahe ay mas magastos ang mamasahe:   […]

  • Djokovic, na-disqualify sa US Open matapos tamaan ang judge

    Na-disqualify si Novak Djokovic sa US Open matapos tamaan niya ng bola ang line judge.   Naganap ito sa fourt round ng mag-serve ang Serbian tennis star kung saan lamang ang kalaban na si Pablo Carreno Busta ng Spain. Tinamaan nito sa leeg ang babaeng line judge ng ito ay magse-serve sana.   Matapos ang […]