• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng beep cards, kakapusin

INAASAHANG magno-normalize muli ang suplay ng mga beep cards o  stored-value cards (SVCs) sa unang bahagi ng 2023.

 

 

Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Cesar Chavez kahapon kasunod nang nakaambang kakulangan ng beep cards.

 

 

Ipinaliwanag ni Chavez na ang problema ay dulot ng shortage ng suplay ng global chip na nag-ugat sa COVID-19 lockdown sa China at kaguluhan sa Ukraine.

 

 

Sa pahayag ng DOTr kamakailan, sinabi nitong nabigo ang Beep card provider na AF Payments Inc. (AFPI) na magdeliber ng kinakaila­ngan nilang 75,000 SVCs.

 

 

Sa gitna ito nang inaasahang pagtaas ng demand ng beep cards bunsod nang inaasahang pagdami ng mga pasahero ng MRT-3 ngayong unti-unti nang ibinabalik ang face-to-face classes sa bansa.

 

 

Tiniyak naman ng DOTr na may mga inilatag na rin silang mga pamamaraan upang tugunan ang problema at maabot ang demand ng commuters para sa contactless cards.

 

 

Nakiusap din si Chavez sa publiko na i-share ang kanilang beep cards sa iba upang mabawasan ang epekto ng naturang kakulangan. May mga tao anya na dalawa o tatlo ang Beep cards. (Daris Jose)

Other News
  • PASAWAY NA MOTORISTA BINALAAN…

    INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang “No-Contact apprehension program” (NCAP) ng lokal na pamahalaang lungsod na ipatutupad sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.   Isinagawa ang nasabing seremonya sa kanto ng Quirino Avenue at Taft Avenue sa Malate, Maynila kung saan nagbabala si Domagoso ang mga pasaway na motorista na may magbabantay na […]

  • DepEd, tiniyak na mas maraming pondo para sa limited in-person classes preps

    TINIYAK ng Department of Education (DepEd) sa mga eskuwelahan na mayroong karagdagang pondo para sa paghahanda ng progresibong pagpapalawak ng limited in-person classes.     Binatikos kasi ng Teachers Dignity Coalition (TDC), sa isang Facebook Livestream, ang gobyerno para sa di umano’y “taking advantage” o pagsasamantala sa kabutihang-loob o pagiging mapagbigay ng mga guro kasunod […]

  • 38K doses ng AstraZeneca vaccines mula COVAX, dumating na sa Pilipinas

    Dumating na sa Pilipinas ang 38,400 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng British-Swedish company na AstraZeneca nitong Linggo.     Alas-6:44 nitong gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang KLM commercial flight na may dala sa ikalawang batch ng bakuna mula inisyatibo ng World Health Organization (WHO).     […]