Suplay ng COVID-19 vaccine, hindi malayong kapusin sa first at second quarter ng taon –Galvez
- Published on February 17, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at and the United States.
Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna para ngayong taon para maisakatuparan ang vaccination program.
“Sa first quarter, second quarter, magkakahirapan pa rin po tayo dahil kasi ‘yong karamihan ng mga western vaccines ay ginagamit po ng mga tiga Europe at America,” ayon kay Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.
“Kung titingnan po natin ‘yong supply and demand sa 2021, may possibility po na ‘yong ating vaccination program ay makakaya po natin sa 2021,” dagdag na pahayag nito.
Naglaan ang Pilipinas ng P73.2 bilyong piso para pambili ng bakuna kung saan ang P40 bilyong piso ay mula sa multilateral agencies, P20 bilyong piso naman ay mula sa domestic sources, at P13.2 bilyong piso mula sa bilateral agreements.
Layon ng Pilipinas na makapagbakuna ng 50 hanggang 70 milyong indibiduwal sa loob ng taong kasalukuyan at 50,000 naman ay inaasahan na mababakunahan ngayong buwan ng Pebrero.
Ang mga priority groups ay kinabibilangan ng frontline health workers, indigent senior citizens, indigent population at uniformed personnel.
Nauna rito, sinabi ni Galvez na ang bakunang gawa ng American corporation na Pfizer ay unang gagamitin laban sa COVID-19 sa bansa dahil ang COVAX Facility ay magkakaroon ng maagang rollout ng nasabing brand. (Daris Jose)
-
Mas maraming taong makalabas ng bahay, pinagayan na ng gabinete –Palasyo
KINUMPIRMA ng Malacañang na mas maraming tao na ang pinapayagan ng gabinete na makalabas mula sa kanilang mga bahay bilang bahagi ng pagbuhay sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, inaprubahan sa full-Cabinet meeting kagabi ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) para […]
-
Jesus; Matthew 28:20
I am with you always.
-
MARAMING MGA TANONG at HAKA-HAKA ang TAUMBYAN TUNGKOL sa mga PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS (PMVIC)!
NAKARATING sa LAWYERS COMMUTERS SAFETY and PROTECTION (LCSP) ang ilan sa mga ito at gusto natin i-post dito ang mga damdamin at saloobin ng tao tungkol dito, dahil kailangan malaman ng taumbayan kung ano ba talaga itong PMVIC na ito: Saan nagmula ito? Solution ba talaga ito para raw bumaba ang aksidente sa lansangan? Napag-aralan […]