Suplay ng pagkain sa bansa, kaya pang tumagal ng tatlong buwan- Malakanyang
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
SINIGURO ng Malakanyang na aabot pa ng tatlong buwan ang food suppy ng bansa hanggang sa gitna ng naging pinsala ng mga nagdaang bagyo na sumira sa maraming sinasakang lupain.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa 90 araw ang kayang itagal pa ng supply na pagkain as of November 12.
Ayon kay Sec. Roque, lalabas na aabot pa ng 88 araw ang food stock ng bansa at kaya pang tumagal ng halos tatlong buwan pa.
Mabuti na lang din ani Sec. Roque ay nakapag-ani na kahit paano ang mga magsasaka bago pa humagupit ang bagyo.
“Sapat-sapat naman po ang ating pagkain. Sa ating bigas, mayroon pa po tayong 90 days supply, at iyong nawala po sa atin ay six days lamang. Kahit papaano pampalubag loob po noong dumating po iyong mga malalakas na bagyo, tayo po ay naka-ani na so hindi po masyadong naapektuhan iyong ating pag-ani bagama’t ngayon ay kinakailangan magtanim uli ang ating mga magsasaka,” anito.
Kaya nga, kahit may nakaamba aniya pang mga bagyo na dumating base na rin sa forecast ng PAG- ASA ay paniguradong may aasahang pagkain para sa mga Pilipino ng hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.
-
DA, nagtakda ng suggested retail price na P125/kilo ng imported red onions
NAGTAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilo sa mga inangkat na pulang sibuyas sa Metro Manila simula bukas dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin. Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) kasunod ng endorsement mula sa mga importer, traders […]
-
Kahit may Master’s Degree na in Management: RONNIE, tuluy-tuloy lang ang pag-aaral para makakuha ng PhD
PINAKITA ni Beauty Gonzalez ang mga alahas na ipapamana niya sa kanyang anak na si Olivia balang-araw. Isa nga rito ay ang Pangaw beads na galing pa sa Mountain Province. Ayon sa Museo Kordilyera’s website, ang Pangaw beads ay gawa sa “glass beads encased in gold. Numerous beads strung together and […]
-
Aiko, ‘back to work’ matapos ang COVID scare; Alden, mis na ang lola sa Laguna
Nakahinga na ng maluwag si Aiko Melendez kasunod ng saglit lamang ng isolation matapos magkaroon ng ilang sintomas ng Coronavirus Disease (COVID). Negatibo kasi ang nakuha nitong resulta sa swab test kaya kaagad ding pinabalik sa trabaho. Kuwento ng 44-year-old actress, ang pagkawala ng kanyang panlasa ay dahil pala sa tonsilitis o pamamaga […]